top of page

Albayalde, kinasuhan na sa ninja cops

  • Jeff Tumbado
  • Oct 22, 2019
  • 2 min read

Isang welcome development umano para kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang pagkakabilang niya sa mga kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice kaugnay sa kaso ng ninja cops at Agaw-Bato Scheme.

Ito ang naging pahayag ng dating pinuno ng Pambansang Pulisya sa itinuturing umano nitong magandang pagkakataon para maisailalim siya sa due process at hindi panghuhusga lamang ng publiko sa court of public opinion.

Una rito, inalis na sa serbisyo ni PNP OIC Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang tatlong ninja cops na sina Police Master Sergeant Donald Roque; Police Master Sergeant Rommel Vital at Police Corporal Romeo Guerrero, Jr.

Habang ang isa sa 13 tinaguriang Pampanga ninja cops na si Police Lt. Joven de Guzman na nauna nang pinatawan ng suspensiyon ng PNP Internal Affairs Service dahil sa hiwalay na kaso ay pinatawan lamang ng suspensiyon dahil sa less grave offense.

Dahil dito, minabuti ni Gen. Gamboa na ibalik ang desisyon sa IAS upang masampahan ng panibago at mas mabigat na kaso.

Sinabi naman ni Gen. Gamboa na inaasahan niyang masisibak din sa serbisyo si De Guzman sa loob lamang ng ilang linggo.

Ang naturang hakbang o aksiyon ng PNP-CIDG na isama si Albayalde sa kaso ay alinsunod sa orihinal na reklamo laban sa kanya noong pinuno pa ito ng Pampanga Provincial Police Office kung saan sumiklab ang kontrobersiyal na agaw-bato noong 2013 na kinasangkutan ng noon ay provincial intelligence chief na si Lt. Col. Rodney Baloyo at 13 tauhan nito. Kabilang sa mga inihaing kaso ng CIDG laban kina Albayalde ay ang paglabag sa Anti- Graft Law, perjury and violation of section 92 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act for Delay and Bungling in the Prosecution of Drug Cases.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page