Inglesero, kasikatan lilipas din… Career ni James, 'di maililigtas ng bagong ka-love team
- Erlinda Rapadas
- Oct 21, 2019
- 1 min read

Mawawalan na ba ng career si Nadine Lustre ngayong pinaghihiwalay na sila ng BF/ ka-love team niyang si James Reid? Makakaya ba niyang mag-survive as a solo artist?
Si James, balitang may gagawing teleserye sa ABS-CBN na may bagong leading lady, pero hindi pa malinaw kung may movie project silang gagawin ni Nadine.
So, dapat ay tanggapin na rin ng JaDine fans na tuluyan nang nabuwag ang tambalang Nadine-James. Ganunpaman, ang relasyon nila off-cam ay magpapatuloy pa rin kahit kani-kanya na sila ng diskarte sa kanilang career ngayon.
Pero say ng mga solid at loyal fans ni Nadine Lustre, magaling na aktres ang kanilang idolo at puwede kahit na sa mga challenging roles. Hindi niya kailangang matali at dumepende sa love team nila ni James.
Sa pagkabuwag ng JaDine love team, si James ang mas dapat na mag-effort to survive. Liability ng tisoy na aktor ang kakapusan niyang managalog. Inglesero si James, so paano mo ito mapapaarte nang seryoso?
Matinee idol-heartthrob ang porma ni James. Lilipas din ang popularidad nito, samantalang si Nadine, mas may chance na mahasa pa nang husto at maging ganap na aktres. Good projects lang ang kailangan ni Nadine upang ma-maintain ang status niya sa showbiz.





Comments