top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Yes, ganern nga, besh! Sobrang exercise, may bad effect sa pagdedesisyon

Jersey Sanchez
Oct 20, 2019
2 min read

Para sa karamihan, ang pagsasanay nang mabuti ay nakatutulong para gumaling sa isang larangan lalo na ang mga atleta. True naman ‘yun, pero ayon sa pag-aaral, ang sobrang pagte-training o pag-eehersisyo ng mga atleta ay maaaring maging dahilan ng paggawa nila ng maling desisyon. Weh, ‘di nga?

Ayon sa pag-aaral na nai-publish sa Journal Current Biology, ang sobrang pag-eehersisyo ng mga athletes ay maaaring magresulta sa hindi magandang decision-making. Lumabas sa pag-aaral na ang mga atleta na overtrained ay nakakagawa ng impulsive choices pagdating sa finances, eating habits at self-care.

Ayon sa mga researchers, ang mga overtrained athlete ay pinapili sa immediate o delayed reward, pero pinili ng mga ito ang immediate o instant reward.

Halimbawa, inatasan silang mamili kung ano ang gusto nilang makuha, instant $10 o $50 pagkatapos ng anim na buwan. Ayon kay Bastien Blain, research associate, pinili ng mga overtrained athletes ang instant $10.

Isinagawa ang pag-aaral sa 37 lalaking triathletes kung saan dumaan ang mga ito sa dalawang parte ng pag-aaral, gayundin, hinati sila sa dalawang grupo. Sa unang parte ng pag-aaral, ang unang grupo ng athletes ay sumailalim sa mild form ng overtraining sa loob ng tatlong linggo. Sa ikalawa naman, sumailalim ang mga ito sa normal nine-week training program.

Ang grupo na nakakumpleto ng intense training ay nagkaroon ng kaunting activity sa lateral prefrontal cortex ng utak na tumutulong sa cognitive control.

Gayundin, ang unang grupo ay nagkaroon ng hindi magandang resulta sa cycling test sa katapusan ng kanilang training. At ito ay isinisisi sa overtraining syndrome, isang uri ng burnout na dahilan ng pagpangit ng performance ng atleta kapag masyadong napapagod ang mga ito.

Samantala, hindi sakop ng pag-aaral ang epekto ng over-exercising sa mga non-athletes dahil nakapokus lang ito sa mga atleta. Oh, mga besh, oks lang mag-ehersisyo pero hinay-hinay lang dahil baka hindi lang pagod ang maranasan natin at baka mas malala pa. Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page