top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Notoryus na pusher, todas sa shootout

Pabs Hernandez III
Oct 19, 2019
1 min read

Nueva Ecija—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Rizal, San Jose City.

Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala lang sa alyas Teklo, walang tiyak na tirahan.

Batay sa imbestigasyon, naglunsad ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar laban kay “Teklo” at nang pagbentahan nito ng shabu ang mga operatiba ay tinangka na itong dakpin, pero nanlaban at pinagbabaril ang mga awtoridad.

Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu, baril at mga bala sa napatay na suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page