top of page

Kabit sa edad na 23, makakahanap pa ng ibang BF na mauuwi sa pag-aasawa

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 19, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Single pa rin ako sa edad na 23 at kasalukuyang nagtatrabaho sa gov’t. agency. May matagal nang gumugulo sa isipan ko kaya sumangguni ako sa inyo. Umiibig ako sa lalaking may asawa na at kahit gusto kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko magawa dahil kasamahan ko siya sa trabaho at maayos naman ang pakikitungo niya sa akin.

  2. Balak kong mag-resign para maiwasan ko siya, pero hindi ko pa rin magawa dahil ako lang ang inaasahan ng pamilya namin na may magandang trabaho.

  3. Hindi ko maisip kung bakit nagkaganito ang love life ko at bakit ako nagkagusto sa lalaking may pamilya na?

  4. Maestro, maiiwasan ko ba ang lalaking ito o dapat na akong mag-resign para mabilis ko siyang maiwasan? Natatakot ako na baka malaman ng misis niya ang relasyon namin at tiyak na malaking gulo at iskandalo ang aabutin ko.

Kasagutan

  1. Kapag gumagawa ka ng pagkakamali, dapat malayo pa lang ay pinaghahandaan mo na ang anumang maaaring kahinatnan ng iyong ginagawa. Sa ganu’ng paraan, kung sakaling mahuli kayo ng misis ng karelasyon mo ay hindi ka mabigla dahil may alternative plan ka na.

  2. Pero kung wala kang plano kung ano ang gagawin sakaling magkabistuhan, mabuti pang itigil mo na ‘yan kesa dumating pa sa buhay mo ang mas malaking problema at kahihiyan. Putulin mo na ang maling ginagawa n’yo upang hindi ka mapahamak kapag dumating ang panahon na magkabukingan na.

  3. Samantala, nakatutuwang makita na may matino at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi man kayo magkatuluyan ng karelasyon mo, siya ay mapapabilang sa “fling” o panandaliang relasyon (Drawing A. at B. r-r arrow b.). Kaya tulad ng iyong plano, kung susubukan at pipilitin mong iwasan ang nasabing lalaki, kahit araw-araw kayong nagkikita at kung nararamdaman na niyang wala ka nang pagtingin sa kanya, hindi ka na niya kukulitin, bagkus, siya ang kusang iiwas at hindi na lalapit sa iyo, hanggang sa tuluyan nang mamatay at matigok ang bawal at makasalanang relasyon.

Mga Dapat Gawin

  1. Ayon sa iyong mga datos, Ms. M.L., konting determinasyon at will power ang kailangan mo at hindi mo na kailangang mag-resign upang maiwasan ang lalaking gumugulo sa iyong buhay.

  2. Sabihin mo sa kanya na dapat nang tigilan ang maling relasyon dahil natatakot ka sa maaaring mangyari at wala ka nang nararamdaman sa kanya. Makikita mo, ‘yun ang kusang mangyayari na nakabatay sa itinakda ng kapalaran.

  3. Ayon sa iyong mga datos, sa sandaling nakipaghiwalay ka sa kanya, iiwasan ka na rin ng lalaking nabanggit. At dahil mahal ka rin ng iyong karelasyon, palalayain ka na niya upang muli kang makabalik sa tamang landas at tatahak sa malinis na kalakaran ng buhay. Bilang dalaga, hanggang sa dumating ang 2022, sa edad mong 24 pataas (1-M arrow a.), magkaka-boyfriend ka na at makapag-aasawa ng karapat-dapat na lalaki na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page