Dinig na dinig ng mga tao sa wake… Julia, 2 beses sinabihan si Claudine ng "f*ck you!"

Hanggang sa huling sandali ng ama ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na si Mr. Miguel “Mike” Barretto, nagkaroon pa rin ng malaking iskandalo sa burol ng Barretto patriarch last Wednesday night.
Marami ang natuwa nang finally, with all humility ay dumating si Gretchen sa burol ng ama, dahil open book namang matagal nang may alitan sa kanilang pamilya.
Hindi lang namin sure kung nagkataon lang o sinadya talaga na halos sabay dumating sa burol ng daddy niya si Gretchen at si Pres. Rodrigo Duterte.
But prior to this, according to our source, first night pa lang ng wake ay kinausap na ni Claudine si Marjorie, and we guess the rest of the family, na hayaang makadalaw si Gretchen sa wake ng daddy nila. Pero ru’n pa lang, sobrang tutol na ang pamilya, lalo na raw si Marjorie, na pumunta si Gretchen sa wake.
Sa kabila nito, tumuloy pa rin sa pagdalaw si Gretchen. Happy na sana ang umpisa dahil agad na nagyakapan ang mag-inang Gretchen at Mommy Inday, na alam naman ng buong Pilipinas na grabe rin ang awayan noon. Forgive and forget na nga lang ang nangyari.
After magyakapan ang mag-ina at i-entertain na rin si Pres. Duterte, lumapit ‘yung pamangkin nina Claudine at Gretchen na si Nicole, anak ng kapatid nila na si Jay-Jay at tangkang sasampalin daw si Greta, pero naharang ‘yun ng aktres.
Ayon sa aming source, may malalim daw kasing galit itong si Nicole kay Gretchen.
Pagtalikod nu’ng Nicole, hinila raw ni Gretchen ang buhok ng pamangkin at doon na nagkagulo sa harap ni Presidente Duterte na sinubukan ding awatin ang magkakapamilya.
Sa gitna nito, umaawat lang si Claudine sa mga kapatid niyang nag-aaway. Siyempre, shocked ang mga nakiramay sa wake.
Pero ang anak ni Marjorie na si Leon, nakiusap daw sa mommy niya to stop and respect his lolo’s wake.
Naku, buti pa ang bata, knows ang word na respect.
But wait, there’s more!!!
Nu’ng sumunod na gabi naman (Huwebes), kuwento pa ng aming source habang ka-text namin at 9 PM, sinabi niya na nu’ng paalis na si Claudine sa wake, nagkagulo uli.
Kinuyog ng pamilya ni Marjorie si Claudine. Kitang-kita raw ng mga nasa wake, friends ni Claudine and even mga drivers at guards na nandoon, nu’ng pagtulungan si Claudine.
Tapos, bigla naman daw nag-collapse si Mommy Inday sa kasisigaw kina Marjorie.
“Stop na! Mag-isa lang ‘yang si Claudine. Maawa naman kayo,” sigaw diumano ni Mommy Inday.
Pero hindi pa rin daw nagpatinag ang kampo ni Marjorie. Dinig na dinig daw ng mga tao sa wake nu’ng dalawang beses sinabihan ni Julia si Claudine ng “F*ck you!”
May insidente rin daw that night nu’ng nagpunta sa restroom si Claudine, sinabihan daw ni Julia ang mga guards at drivers ng tiyahin niya ng, “Oh, bakit andito na naman kayo?”
Marami raw ang na-turn-off kay Julia sa inasal niya towards her Tita Claudine na nu’ng bata pa siya, ang tawag niya sa Teleserye Queen ay Mama Pretty.
Sa true lang daw, ayon sa aming source, spoiled ang mga pamangkin ni Claudine sa kanya noon. At kung tulong ang pag-uusapan, walang kuwestiyon na malaki ang naitulong ni Claudine kay Marjorie at sa mga anak ng kanyang ate.
Sey pa ng aming source, sobrang walang modo ang mga anak ni Marjorie. Wala naman daw gulo dapat nu’ng Miyerkules kung hinayaan na lang si Gretchen sa pagdalaw at pagpapakumbaba niya, dahilan para tanggapin siya ni Mommy Inday at yakapin nang mahigpit.
Kung ang nanay nga raw nila, nagawang patawarin si Gretchen, bakit hindi sina Marjorie at iba pa niyang kapatid, lalo na ‘yung Nicole na nagpasimula raw ng gulo at inatake si Gretchen?
Pero ano nga ba ang dahilan ng kaguluhan nu’ng Huwebes ng gabi kina Claudine at Marjorie?
Ayon sa aming source, nagalit daw kasi si Marjorie dahil nagbigay ng statement si Gretchen. Kundi raw dahil kay Claudine, hindi sana pumunta si Gretchen and even the President.
Pero bakit daw si Claudine ang dinuru-duro at sinisi ni Marjorie, tanong ng aming source.
At dahil itinulak-tulak at dinuru-duro na si Claudine ay nagdilim ang paningin nito kaya niya nasampal si Marjorie. Pagkatapos noon, kinuyog na si Claudine.
Kahit daw maliit si Claudine, lumaban naman siya, pero siyempre, mag-isa lang siya. Kawawa raw talaga si Claudine at kinailangan pa niyang umalis para matahimik ang wake.
Hindi nga raw dapat aalis si Claudine dahil hanggang sa huli, siya ang gustong makasama ng daddy niya. Hindi nga ba’t si Claudine ang nakatutok at nagbantay sa Daddy Mike niya sa ospital with Mommy Inday?
Pati raw ‘yung assistant ni Claudine, bugbog ang likod at warak ang bag dahil siya ang humarang to save her. Nagpa-medico legal na raw ang assistant na ito ni Claudine.
Pag-alis ni Claudine sa wake at pagdating sa ospital, panay daw ang tawag ni Mommy Inday sa kanya to know her condition. Sobrang naawa raw si Mommy Inday kay Claudine.
Nagpa-series of tests daw si Claudine and suffered minor injuries. Iyak daw ito nang iyak sa ospital. Sey daw ng aktres, nu’ng kay Rico Yan, pinagbawalan siyang pumunta. Pati ba naman daw sa daddy niya na up to the last breath ay inalagaan niya?
As of this writing, nagpapahinga raw si Claudine sa St. Luke’s Hospital sa BGC, Taguig City.
Samantala, heard na gusto nang ipa-cremate ni Mommy Inday ang yumaong asawa at tapusin na agad ang wake dahil baka magkagulo na naman.





Comments