top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinaasa raw pero biglang 'tinanggal', Vice... Ate Gay, sobrang hurt sa ginawa sa kanya ng It

  • Ronalyn Seminiano
  • Oct 18, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Naglabas ng sama ng loob ang ko­medyanteng si Ate Gay sa Facebook matapos umanong i-drop sa segment ng It’s Showtime na Tawag ng Tanghalan nang hindi man lang nagpapaliwanag kung bakit.

Nag-post sa FB si Ate Gay noong Oct. 16 na gustung-gusto niyang ma­­ka­sali sa Tawag ng Tanghalan at hala­tang super excited siya.

Aniya, “Hanggang ngayon, ako po ay nananalangin na masalang sa TNT. Tapos na ang pictorial, interview at band rehearsal ko (para sa TNT).... atat na po ako mang-aliw ng madlang people... kaya lang ni ‘Ho’, ni ‘Ha’, wala pa akong natatang­gap na sched... Naghihin­tay — Ate Gay.”

Samantala, ilang oras pa ay nasundan din ito ng post niya ng series of photos ng Showtime pictorial at sa caption ay nag­­papahayag ng pagkadis­maya ang komedyante.

“Nais ko lang po iba­lita na hindi na po ako makakasalang sa TNT... nakakalungkot man na ang management ay wa­lang sinabing dahilan kung bakit... salamat sa abala, sa oras na masaya sana.. bagama’t patuloy lang po ang buhay na ang layunin ko lang ay mag­bigay-aliw sa madlang people at lumaban.. uuli­tin ko po, walang sinabing dahilan kung bakit ‘di na po ako isasa­lang... mara­ming salamat po!”

Dahil sa pagpo-post ng komedyante, nagpahayag na rin ng pagkadismaya ang talent manager niyang si Freddie Bautista.

Mababasa sa Facebook post ng manager na, “Nakakalungkot lang na hindi na maisasalang sa Celebrity Edition ng Tawag ng Tanghalan si Ate Gay sa wa­lang malinaw na dahilan. Ang sa ‘kin lang, sana, hindi na in-invite, hindi naka­pag-pictorial at hindi nai-plug.

“Kahit isipin ko na baka naman may issue? Pero sa tingin ko wala na­man, kasi nag-guest host pa si Ate Gay Online sa Grand Finals ng TNT sa Aliw Theater last year at nakapag-Minute To Win It din naman s’ya this year.

“Ako nga, nalulungkot kasi after the effort ng artista ko, ano pa kaya ang pakiramdam mismo ng isang artista sa ganitong sitwasyon.

“Ayoko sanang mag-post, baka kasi lumaki pa. Kaso may mga nakakakilala rin naman kay Ate Gay at nagtatanong kung kelan s’ya isasalang. Ano ang isasagot namin?

“At bilang talent manager, kailangan ko rin namang protektahan ang talent ko. Pero baka minsan, ganu’n talaga ang buhay, ‘pag hindi sa ‘yo, hindi talaga mapapapunta sa ‘yo kaya move on na lang.”

Ishinare ni Ate Gay ang post ng talent manager niya na may caption na “I love you KF.. naiyak ako, haaaay Freddie Bautista.”

It hurts nga naman na asang-asa ka na sa moment na pinakahihintay mo, tapos biglang last minute, hindi ka pala isasalang…hay!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page