Mula Oct. 17 hanggang Oct. 25... Panonood sa meteor shower, suwerte ang dala, huwag palagpasin
- Sr. Socrates Magnus II
- Oct 18, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga kaalaman sa isa sa mahahalagang astrological events na nagaganap na kilala bilang “Orionids Meteor Shower”.
Ayon sa Banal na Kasaysayan, ang pangalan ni Orion ay nangangahulugan na “True Shepherd of Anu” o “The Heavenly Shepherd”.
Ang ibig sabihin ng The Heavenly Shepherd ay ang sinabi ni Lord Jesus na “Ako ang mabuting pastol” habang ang “True Shepherd of Anu” ay nangangahulugan na Siya ay tunay na mabuting pastol. Ito ay dahil may mga pastol na peke at namemera lang kung saan ginagamit nila ang relihiyon para magkamal ng yaman. Gayunman, pansinin natin ang salitang “Anu”. Mahirap paniwalaan, pero Anu ang unang pangalan ni God.
Dahil dito, si God at Anu ay iisa. Nakakatawa, pero kapag hindi natin alam ang pangalan ng tao, “ano” na lang ang sinasabi natin. Ganito ang sabi, “Walang nakakikilala sa Diyos,” kaya hindi alam ni Moses ang pangalan ni God kahit nananampalataya siya sa Kanya kaya noon pa man ay walang nakaaalam ng tunay Niyang pangalan.
Sa Ifugao, may nahukay na tao at ang kanyang pangalan ay Anu dahil ayon sa mga taga-Mountain Province, si Anu ang kinikilalang Diyos ng mga tao.
Nagpaulan na kahapon at magpapaulan pa ng mga bulalakaw si Orion o ang The Heavenly Shepherd hanggang sa ika-25 ng buwan kaya ipinapayo sa lahat na manood sa nakamamanghang pangyayari dahil ayon sa alamat o Banal na Kasaysayan, inaabangan ang Orionids Meteor Shower dahil sa paniniwalang susuwertehin ang tao kapag sila ay nakapanood. Ibig sabihin, lahat ng makakapanood, kahit walang hiling ay susuwertehin sa career, business, personal interest at love life.
Walang mawawala kapag nanood tayo ng kagila-gilalas na likha ni God dahil makadarama ng kakaibang saya ang makakakita sa pag-ulan ng mga bulalakaw.
Good luck and God bless!




Comments