top of page
Pokwang.jpg

Salamangka Ni: Jerome Ong

Oct 17, 2019
1 min read

Taliwas sa paniniwala ng karamihan, na mayroong isang kapangyarihan sa mundong hindi kilala ang mahika, salamangkang maaaring magamit ng bawat isa.

Kakayahang pumawi ng kalungkutan, o magbigay inspirasyon sa karamihan.

Kakayahang baguhin ang katotohanan, o gawing tama ang kamalian.

Kakayahang magpasunod ng tao at panatilihing tapat sa iyo.

Nakapagpapabagal ng takbo ng oras mo, nakapagpapabilis ng kahit anong proseso.

Isang mahikang ka­yang magpabago ng anyo, sa mga mata ng tao ay maglaho.

Nakapipigil ng salitang gustong sambitin,

Nakabubulag ng mga paningin.

Kakayahang magpainit ng malamig na kama, o maging sumira ng pagsasama.

Maraming naghahangad na ito’y makamit, maging buhay ay handang ipalit.

Nakababahalang mga kakayahan, na halos lahat ay kayang makamtan.

Kung sakaling ito’y mapasaiyo, hiling ko’y gamitin nang wasto.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, na hindi tunay ang kapangyarihan.

Ito’y isang karaniwang salamangka, na kung ating tawagin ay pera.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page