top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Oks naman daw sa 18-anyos na anak na babae… Sheryl, kung kelan 47 na, saka nagbuyangyang

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 17, 2019
  • 1 min read

Marami ang ginulat ni Sheryl Cruz sa ginawa ni­yang pictorial sa online magazine na AO kung saan sexy and daring ang kanyang dating! Bagong imahe ito ni Sheryl na malayung-mala­yo sa dati niyang sweet and naive look kaya pati ang mga dati niyang fans, eh, nagulat sa transformation na kani­lang nakita.

Mas masa-shocked ang la­hat dahil tinanggap ni She­ryl ang daring role as Veron sa ba­gong afternoon soap na Mag­kaagaw na pagbibi­dahan nila nina Sunshine Dizon, Klea Pi­ne­da at Jeric Gonzales.

Cougar ang character ni Sheryl sa Magkaagaw na iibig at mai-in love sa mas batang lalaki (Jeric) at mang-aagaw ng asawa. May mga kissing at love scenes pa siyang gagawin with Jeric.

Hindi naman worried si She sa maaaring sabihin sa kanya ng mga anak niya. In fact, ang kanyang 18-year-old daughter pa ang nagsabi na tanggapin niya ang offer na sexy pictorial sa AO, ganoon din ang daring role niya sa Magkaagaw.

At 47, it’s time for Sheryl Cruz to reinvent herself at iyon ang goal niya ngayon, to be a better actress, a better person. Medyo may pagka-late bloomer nga lang siya pero hindi pa naman huli ang lahat. Hindi rin niya idini-deny na may mga suitors siya ngayon. No wonder na blooming ang beauty niya.

Umibig man siyang muli, walang magiging problema dahil 10 years na siyang divorced sa kanyang mister.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page