top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mister, hindi mapilit mag-abroad dahil kuntento na sa buhay, misis inis na inis

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. May Travel Line akong nakita sa palad ng aking mister, malinaw ito at mahaba, pero nang sinabi ko sa kanya na mag-abroad siya para guminhawa ang buhay namin ay ayaw niya.

  2. Sabi niya, kuntento na siya sa pagiging supervisor sa pabrika rito sa lugar namin dahil kahit hindi kami nakakaipon ay hindi naman kami kinakapos sa ngayon.

  3. Kaya lang, sa tingin ko ay parang wala siyang pangarap. Bagama’t, may sarili kaming bahay at lupa na namana niya sa mga magulang niya, gusto kong sabihin na dapat din naming paghandaan ang future ng aming mga anak, lalo na kapag nasa kolehiyo na sila. Palagi niyang sinasabi na huwag ko na raw isipin ‘yun dahil matagal pa ‘yun.

  4. Tama ba ako na parang wala siyang pangarap? Sana ay matulungan n’yo ako kung paano ko mahihikayat ang mister ko na mag-abroad dahil ‘yung mga kakilala namin na nakapag-abroad ay nakakuha ng magandang trabaho at mayaman na.

Kasagutan

  1. Kung ayaw mag-abroad ng tao, huwag mo siyang pilitin dahil hindi totoo na masarap mag-abroad. Gayundin, huwag kang mainggit kung nakikita mong yumaman ang mga kakilala n’yo dahil sa pag-a-abroad, dahil hindi porke ganu’n ang nangyari sa kanila ay gagaya ka na.

  2. Hayaan mong dumiskarte ang mister mo sa paraang masaya siya, dahil ang totoo, kahit asawa mo siya, may karapatan din siyang magdesisyon nang mag-isa at hindi mo siya dapat pangibabawan.

  3. Muli, kung ayaw niyang mag-abroad, huwag mo siyang pilitin. Kung matapang ka at buo ang iyong loob, ikaw ang mag-abroad dahil ito ang nais sabihin ng malinaw at mahabang Travel Line (Drawing A, at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung sisimulan mo nang mag-ayos ng mga papeles sa susunod na taon, bago matapos ang 2020, sa buwan ng Setyembre o Oktubre, tiyak ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na magiging daan upang lalo pang umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Mga Dapat Gawin

  1. Maaaring tama ang nakita mo sa kaliwa at kanang palad ng iyong mister, Clara, mayroon nga siyang malinaw at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) na nagkataong hindi mo binanggit ay mayroon ka rin nito na nangangahulugang kung hindi si mister ang mag-a-abroad, ikaw din ay magkakaroon ng mabunga at mabiyayang karanasan sa ibayong-dagat

  2. Ayon sa iyong mga datos, kung mag-a-apply ka na ngayon dahil gusto mong gumaya sa inyong mga kakilala na mayayaman na, gawin mo ito. Sa 2020 at sa panahon ding medyo umuulan-ulan sa buwan ng Setyembre o Oktubre, sa edad mong 34 pataas ay may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page