top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 17, 2019 (Huwebes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 17, 2019 (Huwebes): Ma­layo ang iyong mararating, ibig sabihin, maraming ta­gumpay ang mapasasaiyo sa iba’t ibang larangan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumamit ka ng mga ba­gong ideya para la­long lumago ang iyong ka­buhayan. Ang halaman ay lumalago dahil sa mga ba­gong dahon. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-17-20-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-ara­lan mong ma­buti ang ina­alok sa iyo na pagkaka­ki­taan. Hu­wag kang ma­tukso sa ma­tatamis na sa­lita at ma­gagandang pa­ngako. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran ngayon. Masu­werteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-5-11-15-16-24-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Kakaiba ang dating ng mga salita mo da­hil ang mga ito ay naka­a­akit na nakababaliw pa. Mag-ingat ka dahil ang mga wala nang karapatan ay puwedeng maakit at mabaliw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-26-29-36-42-44.

CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Papa­bor sa iyong mga kilos at layunin mo sa buhay. Nga­yon na ang araw kung ka­ilan susulong ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-20-24-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magsalita at kumilos na para kang nasa mababang kala­gayan. Ikaw ay nilikha nang may magandang per­sona­lidad at angat kaysa kani­numan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-2-16-18-21-25-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglalabas-ma­sok sa isipan mo ang maga­gan­dang ideya. Hindi ka muna makakikilos dahil mali­lito ka kung ano ang pu­we­de mong isabuhay sa mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-25-28-30-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo ang isip mo da­hil maki­kitang pabagu-bago ang takbo nito. Mabagal umasenso ang taong paiba-iba ng gus­to at hindi naitutuloy ang nasimulan na mga maga­gandang plano. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-17-29-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling nagbalik ang iyong maya­mang imahinasyon. Maga­gamit mo ito upang mapa­bilis ang iyong pag-unlad. Iwasan mong magamit ito sa pag-iisip ng negatibong mga bagay. Masuwerteng ku­­lay-yellow. Tips sa lotto-17-25-27-31-35-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matakot na ma­­kipag­sa­pala­ran. Ang kata­ku­tan mo ay ang kawalan ng pag-usad ng iyong buhay. Sa paki­­ki­pagsapalaran, ma­ra­mi kang mapakikina­ba­ngan. Masu­werteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-4-12-25-31-34-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpa­pa­gamit sa ka­hit sino. Makabubuting ikaw ang gumamit sa mga taong dikit nang dikit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-7-11-14-15-27-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Malilito ka sa rami ng puwedeng mag­bigay sa iyo ng magan­dang buhay. Ang masu­werteng balita ay nagsa­sabing, ka­hit sino sa ka­nila ang ma­pili mo, suwerte ang mapa­sasaiyo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-14-16-19-24-28-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang kalooban mo. Sa nga­yon, dumaraan ka sa tinata­wag na pagsasaayos ng kapa­la­ran. Pagkatapos nito, mag­daratingan na sa iyo ang mga suwerte na iyong ka­ila­ngan. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-15-19-22-25-31-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page