Horoscope | Oktubre 16, 2019 (Miyerkules)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 16, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 16, 2019 (Miyerkules): Walang pagdududa na ang buhay mo ay gaganda kahit makaranas ka ng hindi magagandang pangyayari. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang magbibigay sa iyo ng inspirasyon. Nagtatagumpay ang taong inspirado kaysa sa hindi at mas positibo sa buhay ang may inspirasyon habang siya ay nagsisikap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-20-24-31-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran kaya ang tagumpay at kabiguan ay nasa iyong mga kamay. Ang pagiging masaya o malungkot ay nasa iyong pagpapasya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-29-36-45-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali, damhin at lasapin mo ang maliligayang araw na ito. Ang kakaibang ligaya ay magsisilbing lakas mo para sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-violet .Tips sa lotto-7-16-28-30-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag kulang sa luto ang pagkain, hilaw at hindi masarap ang lasa. Hayaan mo munang maluto ang mga kaganapan bago ka sumugod nang sa gayun ay malubos ang iyong kasiyahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-20-23-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ibinibisto ang personal na mga bagay. Kapag ipinaalam mo ang mga ito sa tao, hindi mo masisisi ang makaaalam na ikaw ay pagbintangan na may ibang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-21-25-27-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging makulay para sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating kung saan ang ibig sabihin ng makulay ay sasaya ka at bubuwenasin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-25-27-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinihintay ng langit ang iyong magiging kahilingan. Simplehan mo lang at dapat ay tukoy at direkta ang mga salitang gagamitin mo. Huwag mo nang lagyan ng kung anu-anong dekorasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-14-28-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsuot ka ng bago kahit nasa loob ka lang ng bahay at huwag kang magsuot ng kupas na. Ito ang pinakamabisang pampasuwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-21-25-29-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mabibigo kapag isinabuhay mo ang susi ng kaligayahan na nagsasabing, salubungin mo ang dilim nang may positibong pananaw sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-12-25-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pakawalan ang lalapit sa iyo na magpapakita ng pagtingin. Siya ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na samahan ka sa iyong pagsisikap para umunlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-24-26-35-.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bantayan mo ang iyong paligid dahil may ilan na magtatangkang siraan ka kung saan ang paninira sa iyo ay nagmula sa kadidikit sa iyo na lihim na naghahanap ng mga kasiraan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-24-26-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi lahat ng nagsisikap ay nakaaahon sa buhay, pero ang mga pagsisikap mo ay hindi masasayang kaya ituloy mo lang ang mga ito at huwag kang aatras sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-15-27-30-39.




Comments