Base sa mga nagpakitang shooting stars na naging guide ng tatlong hari… Birth Month ni Jesus, Octobe
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga kaalaman sa mahalagang astrological event na magaganap ngayong October 17 hanggang October 25 na kilala sa tawag na Orionids Meteor Shower.
Ang Orion Stars ay tinatawag ding Los Tres Reyes Magos o The Three Wise Men. Dito nag-ugat ang paniniwala ng ilan na si Lord Jesus Christ ay hindi ipinanganak ng December 25 kundi sa mga araw kung kailan nagpapakita ang shooting stars ni Orion na nangyayari tuwing Oktubre, kaya ang paniniwala na Oktubre ang birth month ni Jesus ay may basehan.
Gusto mo bang suwertehin? May mahal ka ba sa buhay na nakararanas ng hindi magandang kapalaran?
Ang pinakaepektibong puwede mong gawin ay huwag nang hintayin pa ang Pasko dahil puwede mo nang gawin ngayon ang gift-giving. Ito ay dahil ang mga regalo na matatanggap sa mga araw na nagaganap ang Orionids Meteor Shower ay magsisilbing strong and powerful na pampasuwerte.
Bukod sa pagsasagawa ng gift-giving, narito pa ang ibang puwedeng gawin para suwertehin:
Dalawin ang bagong panganak na sanggol at ina.
Bigyan sila ng regalo o masarap na pagkain tulad ng mga prutas.
Bilhan ng mga damit o gamit ang sanggol.
Puwede ring bigyan ng perang papel at coins ang baby.
Isa sa pinakamagandang regalo ay ‘yung mga bagay na tumutunog na ikatutuwa ng baby.
Dahil baby pa, hindi pa siya makangingiti, pero ang ngiti ng ina ng sanggol ay isa sa pinakamagagandang matatanggap ng bibisita sa kanila.
Bago umuwi, dapat magdasal kahit palihim lang o natural na pagdarasal na naririnig ng mga nasa bahay.
Pagkauwi sa bahay, muling magdasal para sa sanggol at kanyang ina.
Ang damit na suot ng bumisita sa bagong panganak ay magsisilbi ring lucky charm.
Muli, huwag nang hintayin ang Pasko dahil puwede nang gawin ang gift-giving, pero huwag na huwag kalilimutan ang pagbisita sa bagong silang na sanggol.
(Itutuloy)




Comments