top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sobrang torpe kaya hindi magiging GF ang nililigawan

Maestro Honorio Ong
Oct 15, 2019
3 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. May nililigawan akong babae, pero hindi ko siya kayang kausapin nang personal pero kapag nagpapalitan ng kami ng text messages, maganda ang pag-uusap namin, pero kapag nagtatawagan na kami, wala akong masabi dahil nahihiya talaga ako.

  2. Ibig sabihin ba nito ay mahal ko siya at ganundin siya sa akin, pero nagkakahiyaan lang kami? Siya na kaya ang una kong magiging girlfriend kahit hindi talaga ako mapakali kapag kaharap ko siya? Kapag ba mahal na mahal mo ang isang tao, hiyang-hiya ka talaga sa kanya?

  3. Ano ang dapat kong gawin para mawala ang kaba at pagiging mahiyain ko kapag kaharap ko siya?

Kasagutan

  1. Sa ikinukuwento mo, mukhang malinaw na hindi mo magiging girlfriend ang nasabing babae dahil hindi kayo nakae-establish ng “rapport”. Oo sa ngayon wala pang rapport ang inyong ugnayan at ito ay mahalaga upang mabuo ang matimyas at masarap na pagmamahalan.

  2. Sa pagliligawan at anumang ugnayan ng tao, kailangan magkaroon ng rapport upang madaling ma-establish ang intimacy. Ang depinisyon ng rapport sa Dictionary of Psychology ay “warm atmosphere between two individuals or a warm, close relationship between any two individuals in a psychological situation. Ibig sabihin, bago maganap ang makabuluhang kuwentuhan o usapan, kailangang may warm at close na nararamdaman ang nag-uusap. Sa ibang salita, kailangang magka-vibes kayo o hindi nagkakahiyaan.

  3. Kapag hindi na kayo nahihiya, kinakabahan o nag-aalangan sa isa’t isa, unti-unting nae-establish ang rapport. At sa panahong na-establish ito, madali n’yo nang masasabi ang gusto n’yong sabihin sa isa’t isa nang walang pag-aalinlangan.

  4. Hangga’t walang rapport na namamagitan sa inyo ng crush o nililigawan mo, ikaw na ang mag-isip kung paano kayo makapag-uusap nang maayos.

  5. Mababasted ka ng kasalukuyan mong nililigawan o habambuhay ka nang ganyan dahil hindi kayo naka-establish ng rapport, darating ang panahon na magkaka-boyfriend na siya. ‘Yan ang ibig sabihin ng maliit na bilog o island sa Heart Line (Darwing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  6. Tanda na, hindi dahil sa iyong katorpehan, sa halip, ang totoong dahilan ay hindi ka makapagsalita kapag personal mo nang kausap ang iyong nililigawan. Sa bandang huli, tulad ng naipaliwanag na, kahit may gusto siya sa iyo pero dahil walang rapport ang inyong usapan ay kapwa kayo manghihinawa at mababato hanggang sa hindi na kayo makabuo ng close intimacy kahit nag-uusap kayo.

Mga Dapat Gawin

  1. Sa panliligaw, huwag mong iisipin agad na crush ka ng crush mo para hindi ka mahiya. Huwag mo ring ilagay agad sa isipan mo na mahal mo siya dahil siguradong mahihiya at matatakot ka na kausapin siya.

  2. Sa halip, ituring mong pangkaraniwan ang iyong crush at huwag mong iisipin na sobrang ganda niya at mahal na mahal mo siya dahil hindi mo kakayanin na kausapin siya.

  3. Kapag ganyang konsepto ang nasa iyong isipan, kapag may nagustuhan ka uling babae at kapag inisip mo na hindi mo siya gaanong gusto at balewala siya sa iyo, makakausap mo siya nang suwabeng-suwabe at matino hanggang sa maka-establish kayo ng rapport. Sa ganu’ng paraan, hindi ka na mauunahan ng hiya at takot.

  4. Minsan, para lumakas ang loob at makapanligaw nang maayos, kailangan mo ring lokohin ang sarili mo dahil kapag palagi kang tapat sa sarili mong damdamin, hindi mo makakausap ang crush o mahal mo dahil natatakot kang magkamali sa sasabihin mo sa kanya.

  5. Sa sandaling nagawa mo ang mga nabanggit, Ryan, ayon sa iyong mga datos, sa susunod mong panliligaw, matututo kang makipag-usap sa mga babae. Tiyak ang magaganap, isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus ang kusang magkakagusto sa iyo at magiging first girlfriend mo dahil madalas kang makipagkuwentuhan at makipagbolahan sa kanya. Mangyayari ito sa susunod na taong 2020 sa edad mong 24 pataas, (Drawing A. at B. 1-M arrow b.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page