top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

OA raw magprotekta sa future misis… Neil, todo-bakod kay Angel nang manalong best actress

Julie Bonifacio
Oct 15, 2019
3 min read

Star-studded, as usual, ang ginanap na 33rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club. Dumating ang karamihan sa mga winners at special awardees ngunit gaya ng naisulat namin, hindi nga nakarating ang Queen of All Media at Webstar na ngayong si Kris Aquino.

Nasa Singapore raw si Kris for another medical treatment/check-up. On her behalf, pina­punta niya ang dalawang anak na sina Joshua and Bimby para personal na tanggapin ang kanyang Ading Fernando Lifetime Achieve­ment Award.

Kuhang-kuha sa mga videos sa social media ang pag-akyat sa stage ni Joshua habang itina-tuck ang kanyang white short sleeves polo inside his black blazer at habang binabasa ni Bimby ang kanyang speech, na­pansin namin na nakaangat pa ang blazer sa bandang kaliwa ni Joshua. It so happened na nasa likod kami nina Joshua and Bimby kaya agad naming inayos ang blazer ng panganay ni Kris.

Habang nasa stage rin kami, nakita namin ang isa sa pinaka­magandang nasa kalagitnaan ng audience that night, walang iba kundi si Bea Alonzo na nagkataong birthday din pala last Sunday.

Through hand signs, nag-“Hello!” sa amin si Bea na kahit malayo ay aninag namin ang napakaganda at maliit na mukha. At nag-okay sign siya sa maniningning na suot namin that night.

Feeling namin, kasabay niyang dumating ang kaibigang si Angel Locsin at fiance nito na si Neil Arce. Towards the middle of the program, nawala na si Bea. Hindi na niya nahintay na tawagin at mapanood si Angel at isa pa nilang kaibigan na si Dimples Romana as winners.

Si Angel ang nanalo bilang Best Drama Actress for her sterling performance sa The General’s Daughter at win naman ang top-rating serye ni Dimples na Kadenang Ginto as Best Daytime Drama Series.

Hindi rin nakarating si Mo­ther Ricky Reyes para tang­gapin ang tropeo sa pagkaka­panalo niya ng Best Lifestyle Show Host at Best Lifestyle Show para naman sa programa niyang The World of Gan­dang Ricky Re­yes. Papunta ka­si siya ng Singapore kina­bukasan for an international event at sa pagkaka­alam na­min, hindi nagpupuyat si Mother Ricky. Madalas ni­yang sabihin sa amin na pagdating ng 9 PM, tulog na siya sa bahay.

Lastly, nagpadala naman ng representative ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda just in case na manalo siya. May nag­sabi sa amin na nasa Cebu raw si Kuya Boy last Sunday. Win ang dalawang shows niya sa Dos, ang The Bottomline with Boy Abunda as Best Public Affairs Show at Best Celebrity Talk Show na­man ang Tonight with Boy Abunda. Nanalo rin si Kuya Boy as Best Host sa dalawang Kapamilya shows niya.

Nagtataka ang mga bloggers na nag-cover ng awards night kung bakit wala raw in-announce na winners for Best Male and Female TV Host. Pagkatapos daw sabihin ang nanalo sa kategoryang Best Variety Show at Best Musical Variety Show, ibang kategorya at genre na ng show ang sumunod na list of winners.

Hindi dumating si Marian Rivera as one of the Teleserye Queens at the Turn of the Millennium. According to a source, nag-confirm na raw si Marian kaya may reserved seat na siya sa theater. But last minute, may nagsabi na hindi na raw darating ang asawa ni Dingdong Dantes dahil sey ng aming source, umiyak daw kasi ang anak niya kaya hindi na tumuloy si Marian sa awards night ng PMPC.

Anyway, natuwa naman ang ilang PMPC members sa gesture ni Angel na isa-isang bineso ang mga nasa backstage bago siya gawaran ng special award as one of the Teleserye Queens at the Turn of the Millennium.

And when she won the Best Drama Actress, saglit namin siyang nakatsikahan.

“Sa totoo lang, gusto kong magpasalamat. Pero alam kong pagod na kayong lahat. Pero, grabe. Alam mo ‘yung kapag nasa stage ka na, nakakalimutan mo na ‘yung mga gusto mong pasalamatan sa dami. Pero maraming-maraming salamat sa inyo, sa Star Awards. Maraming salamat sa patuloy na paniniwala ninyo sa akin. Thank you. Thank you. Thank you,” paulit-ulit na pasasalamat ni Angel.

Then, we asked her kung ano ang gagawin niya for the rest of the year.

“Mag-aayos po ng kasal. Sinusundo na po ako ngayon. Hahaha!”

Sabay lapit ni Neil at kinuha na ang kamay ni Angel palabas ng Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University.

Sa iba, baka na-turn-off sila sa ginawa ni Neil. He may be accused of being a stage fiancé dahil sa higpit niya sa pagbabantay kay Angel. Pero ganu’n talaga, ‘di ba? Pinoprotektahan lang ni Neil ang kanyang future misis.

So, kung bisi-busy-han na si Angel sa paghahanda ng kanyang kasal, posibleng true ang sinabi ni Boy2 Quizon, best friend ni Neil, na sa December ngayong taon na magaganap ang inaabangang kasalan ng dalawa.

Puwede. Bukod sa June, favorite month din ng mga ikakasal ang December kasi malamig ang panahon. Kaya alam na, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page