Nag-resign sa work dahil sa mababang suweldo, hiyang-hiya na GF ang gumagastos sa kanya
- Roma Amor
- Oct 15, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Dexter, 25 years old, nag-resign ako sa trabaho dahil sobrang baba ng suweldo. Naghahanap ako ng trabaho ngayon at tinutulungan ako ng GF ko sa pagkuha ng requirements. Matagal na niya akong pinakukuha, pero hindi ko siya pinakinggan kaya ngayon ay nagagahol na ako dahil malapit na ang Pasko at wala pa akong trabaho. Sa totoo lang, nahihiya na akong humingi ng tulong sa kanya, pero wala akong choice dahil wala akong ibang maaasahan, gayundin matanda na ang mga magulang ko kaya nape-pressure ako. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? – Dexter
Dexter, Naku, napakahirap ng sitwasyon mo dahil umaasa sa iyo ang mga magulang mo. Kung willing naman ang GF mo na tulungan ka, tanggapin mo lang ang tulong na ibinibigay niya basta kapag nakahanap ka na ng magandang trabaho, ikaw naman ang mag-give back sa kanya. Ngayon, tapusin mo na ang requirements mo dahil hindi ka matatanggap sa trabaho kung kulang-kulang ang mga iyan. Huwag kang ma-pressure at ituon ang iyong atensiyon sa mga positibong bagay nang sa gayun ay makapagpokus ka sa paghahanap ng trabaho. Kayang-kaya mo ‘yan! Good luck and God bless!





Comments