top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 15, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 15, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 15, 2019 (Martes): Maku­lay ang iyong kapalaran. May kulay ng dilim para sa kabiguan at may ma­kis­lap na kulay ng tagum­pay, pero ang mamama­yani ay kulay ng masaga­nang buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka da­pat malibang sa ningning ng iyong magandang bu­hay. Huwag mong kalimu­tan na ang kasalukuyan ay paghahanda sa kinabu­kasan at hindi sa pagsa­saya na tila walang kata­pusan. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-19-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa kata­ngi­an mo na ma­tatag at matibay na nila­lang. Lu­mayo ka sa alam mong ma­kasisira sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-16-29-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa kapwa mo ang mga suwer­teng mapasasaiyo. Sa ganitong paraan, ang magagan­dang bagay ay dadaloy sa bu­hay mo kung saan parang ikaw na lang ang binubu­wenas. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-6-17-21-26-28-30.

CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka. Lalapit sa iyo ang mag-aalok ng mabilisang pag­kita ng pera. Huwag kang makalimot na rito sa mun­do, mandaraya lang ang nagsasabi na puwede kang yumaman nang walang ka­­hirap-hirap. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-28-30-31-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­hirap paniwa­laan na rito sa mundo, ang ma­­sarap kausap ay mapan­lin­lang kung saan aakala­in mo na sasarap din ang bu­hay mo sa kanya, pero ang totoo, kabaligtaran pala ang sasapitin mo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-24-33-41-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit pinta­san ka nang pintasan, tama ang iyong pagiging masi­nop at mapagpahalaga sa nasa sa iyo na. Ang nami­mintas ay ang taong lalapit sa iyo para humingi ng tu­long. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-18-21-25-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng iyong ka­ris­ma dahil sa mga kilos mong nagbibi­gay-saya sa mga nakapa­pan­sin. Mahihirapan kang layuan ang ilan sa mga ito dahil tila nagayuma mo sila. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-23-31-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Doble-doble ang kita mo kaya doble-doble rin ang saya mo. Mag-ingat ka dahil baka mabiktima ka ng mga ma­pang-abuso na gustong ma­kinabang sa suwerte mo. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-21-25-27-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang tamang panahon para simulan ang isa pang puwede mong pag­kakitaan. Huwag kang ma­ngamba dahil muli, nga­yon ang tamang pana­hon para sa dagdag na pag­ka­kaki­taan. Masu­wer­teng ku­­lay-green. Tips sa lotto-6-18-20-26-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tangga­pin mo ang alok na makikibahagi sa bagong negosyo mo na kumikita. Malaki ang ia­angat ng buhay mo kapag nagkaroon ka ng tapang at lakas ng loob para ma­kipagsapalaran. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-27-30-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Litung-lito ka dahil sa sobrang saya. Mawawala rin ang pagka­lito mo kapag napanatag na ang pangyayari kung saan makikitang nagpa­ka­sasa ka sa sarap ng bu­hay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-9-14-16-20-23.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madarama mo na parang ku­makati ang mga paa mo kung saan tila inu­utusan ka na mamasyal. Gawin mo ito dahil sa pa­mamasyal mo, manana­riwa at gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-28-38-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page