top of page

Pagbabawal sa midwife at lying-in na magpaanak ‘pag unang beybi, stop

  • Mylene Alfonso
  • Oct 14, 2019
  • 1 min read

Naisalba ang trabaho at kabuhayan ng libu-libong midwives at lying-in clinic sa bansa makaraang mapigilan ang implementasyon ng Department of Health Administrative Order 26-2019.

Nabatid na ang nasabing administrative order ay nagbabawal sa mga midwives at lying-in clinic na magpaanak kapag unang sanggol at panlima o higit pa.

Ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Committee on Health, dapat munang pag-aralang mabuti ang kautusan ng DOH dahil marami ang maaapektuhan.

“Kailangan ng konsultasyon at pag-usapan ng DOH, midwives at lying-in clinic owners kung ano ang makabubuti para sa lahat,” ayon kay Sen. Go.

Katuwiran ng DOH, maselan ang mga buntis sa ganu’ng kalagayan at kailangan ng todong medical attention sa ospital.

Sinabi naman ni Patricia Gomez, executive director ng Midwives Association of the Philippines, pinagbasehan lang ng DOH ang pag-aaral na isinagawa sa mga buntis sa Pakistan at Nigeria at hindi sa Pilipinas.

Mataas ang mortality rate sa panganganak sa nasabing mga bansa dala marahil sa environmental conditions o experience ng mga nagpapaanak doon. Ayon pa kay Gomez, ang mga buntis sa probinsiya at mahihirap na Pinoy ay umaasa sa mga komadrona at lying-in sa kanilang panganganak.

Dahil sa pakiusap umano ng mambabatas, sinuspinde ang implementasyon ng naturang kautusan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page