Nakausap ang mga namatay na mahal sa buhay, hindi dapat katakutan dahil suwerte ang hatid sa nanagin
- Socrates Magnus
- Oct 14, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Pam ng Pamela_Barquez@face-book.com
Dear Professor, Nanaginip ako na hinihintay ako ng mga kamag-anak kong namatay na sa puting FX at parang may pupuntahan kami. Nandu’n ‘yung panganay kong kapatid na namatay noong Dec 5, 2014, ang papa ko at iba pang mga tiyahin ko na close sa amin pero hindi ko nakita ang mama ko. Bigla akong nagising at nakaramdam ng takot kaya nagdasal ako at ibinulong ko sa St. Benedict medallion na bigay n’yo ‘yung panaginip ko at hiniling na ilayo ako sa masama. Ano ang pahiwatig nito? Mamamatay na ba ako at hinihintay na nila ako?
Naghihintay, Pam
Sa iyo Pam, Hindi ka masisisi kung natakot ka sa panaginip mo at naiisip mong hinihintay ka na ng mga namatay mong mahal sa buhay dahil marami na ang nakaranas na bago mamatay ang kanilang mga mahal sa buhay ay naikuwento ng namatay na nakikita at nakausap niya ang mga kaluluwa ng patay na.
Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay namamatay na ang nanaginip ng mga kaluluwa na nakausap nila. Ito rin ay naikukuwento ng mga buhay pa dahil naranasan din nila na makita sa panaginip ang namatay na mga mahal sa buhay.
Sa madaling salita, hindi ito agad nangangahulugan na ang nakakakita ng kaluluwa sa panaginip ay mamamatay na.
Alam mo, noon ay napanaginipan ko rin ang aking mga yumaong magulang at ang sabi ng tatay ko, tayaan ko ang numerong 19-28 sa jueteng dahil tatama raw iyon.
Tumaya ako pero hindi ako nanalo at nang bunsong kapatid ko ang tumaya sa nasabing numero, nanalo siya.
Ang masuwerteng balita mula sa iyong panaginip ay nagsasabing, huwag kang matakot sa mga kaluluwa na makakausap mo sa panaginip mo at mabuting kausapin mo sila dahil puwede ka pang manalo sa mga pakikipagsapalaran tulad ng lotto.
At ang isa pa, kaya hindi ka dapat matakot ay dahil hindi ka pa mamamatay dahil sa mga panaginip mo.
Ang mga ito ay nagsasabi na nasosobrahan ang himbing mo sa pagtulog at bumukas ang iyong third eye kaya sila ay nakita mo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments