Pinoy best crowd para kay Lee Sung Gi
- Lee Vin Nia
- Oct 14, 2019
- 4 min read

Sinigurado talaga ng South Korean superstar na si Lee Seung Gi na sulit na sulit ang 9 years na paghihintay ng kanyang mga fans sa Pilipinas sa ginanap na fan-meeting niya last Saturday (Oct. 12) sa New Frontier Theater, Quezon City.
Ang Lee Seung Gi Vagabond Voyage in Manila ang kauna-unahang fan meet ng Triple Threat Superstar na 9 years nang hinihiling ng kanyang Airen (LSG’s official fans club) fans sa PH.
Punumpuno ang New Frontier Theater and some Airen fans came from different countries like Canada, Indonesia and South Korea.
Sa opening number pa lang ni Seunggi na Because You’re My Woman (his signature and hit debut song) ay talaga namang halos magiba na ang venue sa tindi ng sigawan. For many AirenPh members, it felt surreal na nasa harapan na nila ang iniidolong Korean superstar.
Ayon kay Seunggi after the opening performance, noon pa rin niya gustong ma-meet ang kanyang mga fans sa ‘Pinas.
“I’ve been dreaming of meeting my Filipino fans for a long time. I’m so happy that it’s finally happening!” Seunggi said.
Pagkatapos nito, nagkaroon ng Q&A portion with the host of the show, Sam Oh, sa segment called Big Data. Sa tuwing may sasabihin ang aktor/singer/TV host ay nagri-react nang bongga ang mga fans kaya nasabi ni Seunggi na “I also love interacting with my fans. But so far, the reactions I’ve been getting here in Manila are the best.”
Sabi pa niya, “I’m always thankful for the warm welcome I receive. The welcome I got at the airport was very warm, however, tonight exceeds my expectations.”
At one point ay sinabi rin ni Seunggi na “Everyone’s being so passionate.”
Napag-usapan din ang kanyang current drama na Vagabond ng SBS at Netflix at nagpakita ng mga ilang clips ng mga eksena. Ayon kay Seunggi, ang chase scene sa episode 1 ay two weeks daw kinunan at ang eksena naman na tumalon siya mula sa building at bumagsak sa kotse ay 4 hrs., pero nang ipakita raw ito ay ilang segundo lang ang itinagal.
“I put my heart and soul into this drama. The team really worked hard. I wanted to show the fans who waited my hardwork,” sey pa ni Seunggi.
Natuwa rin ang aktor nang sabihin ng host na sobrang popular din ang Vagabond sa Southeast Asia at nagsigawan ang mga fans bilang pagsang-ayon.
Nang mapag-usapan naman ang kanyang katatapos lang na variety show sa SBS, ang Little Forest kung saan ay mga bata ang kanyang kasama, pabirong sabi ni Seunggi that the show made him realize that he doesn’t want to work with children anymore.
Ang Little Forest ay isang 16-episode variety show na umere mula August 12 to Oct. 7, 2019 wherein ordinary kids spent time with the cast (Lee Seung Gi, Lee Seo Jin, Park Na Rae and Jung So Mun) away from their parents.
“The kids were lovely, but the reason I should be careful with working with children is because they’re so tiring. But since I was young, I’ve always wanted to have three kids,” sabi ni Seunggi.
Pero aniya ay napakarami naman niyang natutunan about children sa show na ito.
May mga video messages ang mga bata for Seunggi na ipinakita sa screen and they were all cute.
After the segment ay nagbihis si Seunggi at nagsigawan na naman ang mga fans when he came out looking so sexy in his tight black jeans.
Tinanong ni Sam Oh kung ano ang concept ng kanyang outfit, at natatawa niyang sabi, “Sexy concept.”
Ang sumunod na segments ay Date with a fan kung saan ay gumawa siya ng lunch box for the lucky fan na mabubunot na manalo. Nakakatuwa na nu’ng nagsusuot siya ng gloves, tumutol ang mga fans at mas gusto nilang magluto si Seunggi nang walang takip ang kamay.
“You have strong stomachs, right?” sey niya. Sabi naman ni Sam Oh, “We don’t mind Lee Seung Gi germs.”
Sa nasabing portion ay gumawa si Seunggi ng kimbap.
Nagkaroon pa ng isang game (Von Voyage na isang relay game) na sobrang in-enjoy din ng mga fans na napili dahil nagkaroon sila ng chance na ma-hug si Seunggi, makipaglaro ng sipa at maka-jumping rope ito.
The most touching part for us ay nang mag-present na ng AVP (audio visual presentation) ang Airen fans na ipinakita sa big screen at pagkatapos ay kumanta ang lahat ng fans ng Count On Me habang iwinawagayway ang banners.
Halatang sobrang touched din si Seunggi sa surprise tribute ng fans and for a few moments ay nakita naming teary-eyed siya.
Nakakatuwa na na-appreciate talaga ni Seunggi ang fans’ presentation at aniya ay sobrang touching daw. Makikita mo naman talaga sa kanya ang sincerity niya nang magpasalamat sa kanyang Airens to the point na gusto niyang maiyak pero halatang pinigilan lang niya.
The host asked, “How do you feel about this fan meeting in Manila?”
Seunggi answered, ”The first memory is really just the perfect memory. I’m so happy to finally meet my Filipino fans. Thank you all for coming.”
Nakakatuwa rin ‘yung part na nakita ni Seunggi sa audience ang isang fan na nakasuot ng wedding dress at natatawa niyang tinanong kung bakit ganu’n ang outfit nito.
Sambit ni LSG, “I didn’t know that today was my wedding day.”
Ininterbyu rin ni Sam Oh ang fan at aniya, sa Hong Kong daw galing ang kanyang wedding dress and has been a fan since 2013.
Later, after the fan meet, nakita namin sa labas ang fan na iniinterbyu na ng TV reporters.
Seunggi sang 4 more songs (Delete, Return, Smile Boy and his finale song, Let’s Go On a Vacation) and each time, talagang grabe ang reaction ng mga fans.
“I think I’m the happiest when I’m singing for you guys. The next song is my last one. It’s sad, but the end is just the start of another beginning,” pahayag ni Seunggi.
Seunggi’s last message to his AirenPH fans, “Please stay with me and continue to become my reliable compass. Thank you so much. I love you.”
Needless to say, it was an amazing, unforgettable and memorable 2-hour fan meeting para sa lahat ng fans ni Lee Seung Gi sa ‘Pinas. Ang lahat ng 9 na taong paghihintay ay sulit na sulit and honestly, we really don’t know kung may idea ba siya kung gaano niya sobrang napasaya ang kanyang mga tagahanga rito dahil sa isang matagal nang pangarap na finally ay nagkaroon ng katuparan.
Ngayon, ang wish naman ng Airen ay bumalik si LSG na hindi naman imposible.





Comments