top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aces tinalbos ang ROS

ATD
Oct 14, 2019
2 min read

Lumabas ang bangis ng Alaska Aces upang kalsuhan ang kanilang five-game skid matapos talbosin ang Rain or Shine Elasto Painters, 78-71 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum. Kumayod si reinforcement Frank House ng 22 points, 23 rebounds at tatlong assists upang tulungan ang Aces na ilista ang 1-5 karta habang bumakas si Jeron teng ng 18 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists.

Ipinaramdam ng Aces ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang five-point lead, 40-35 sa halftime. Nagpatuloy ang mainit na laro ng Alaska sa third canto kaya nasa unahan pa rin sila, 62-52 papasok ng fourth. Hindi nagpabaya ang Aces sa pay-off period kaya nasilo nila ang unang panalo ngayong conference.

Namuno sa opensa para sa Elasto Painters si import Kayel Locke na may 25 pts., 10 boards at dalawang assists. Nalasap ng Rain or Shine ang pang-apat na talo sa limang salang.

Samantala, wala pang balita sa na-injury na si Romeo Travis, hindi pa alam kung makalalaro siya para sa Magnolia Hotshots sa Miyerkules laban sa Blackwater Elite.

Parehong galing sa talo ang Hotshots at Elite kaya naman walang ibang nasa kukote nila kundi ang makabawi at makabangon agad.

May kartang 3-2 ang Magnolia habang tangan ng Elite ang 1-3 card. Nagkaroon ng injury si Travis sa kanilang huling laro kontra tigasing San Miguel Beer, natalo sila ng isang puntos, 89-90. “It’s hard to tell right now,” sabi ni Travis bago sila isinakay sa wheelchair noong Biyernes papalabas ng Mall of asia Arena. “It’s a little swollen but we will find out more tomorrow (Saturday). The only reason I’m on a wheelchair is because it’s a long walk from here to the garage and I don’t want to walk that far until we find out more tomorrow.” Malaki ang tsansa ng Pambansang Manok Magnolia na manalo, dahil dikitan ang labanan ng ma-injury si Travis sa huling 4:44 minuto. “Breaks of the game. Both teams may chance sa dulo. We had the last shot (but missed). Kahit paano meron kaming chance (to win it),” hayag ni Magnolia coach Chito Victolero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page