top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Abangan na, mga beshie! Oct. 17-25, uulan ng shooting stars; wish, dapat hindi malaman ng iba

Sr. Socrates Magnus II
Oct 14, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ang isa sa mahahalagang astrological events na magaganap ngayong ika-17 hanggang ika-25 ng Oktubre na kilala bilang Orionids Meteor Shower.

Mula sa constellation Orion, magpapakitang-gilas ang mga bulalakaw. Nakakamangha at nagbibigay ng kakaibang saya at ligaya sa taong makasasaksi sa mga bulalakaw na mula sa Orion.

Ang meteor shower ni Orion ay unang tinawag na shooting star. Kumbaga, kapag sinabing shooting stars, ibig sabihin, ay mga bulalakaw na Orionids Meteor Shower.

Gusto mo bang suwertehin at matupad ang iyong mga kahilingan? Ngayon ang pagkakataon mo dahil you can make a wish upon the shooting stars.

Ano ang gagawin mo?

  1. Bago mawala ang makikita mong bulalakaw, kailangang masabi mo na ang iyong kahilingan.

  2. Sa pagsasalita, hindi ka dapat mag-alinlangan.

  3. Ang paputul-putol na pagsasabi ng wish ay hindi makabubuti dahil alam ng langit na kaya paputul-putol ang pagsasalita mo ay dahil hindi buo ang loob mo.

  4. Kailangan din na firm at direct ang iyong pagsasabi, ibig sabihin, ang boses ay hindi dapat kakitaan ng pagdududa at paliguy-ligoy bago sabihin ang hiling.

  5. Dahil dito, bago dumating ang ika-17 ng buwan ay dapat sanayin ang pagsasalita nang sa ganu’n ay masabi nang maayos ang wishes mo.

Muli, ang unang araw kung kailan masasaksihan ang pag-ulan ng shooting stars ay sa ika-17 ng Oktubre.

Ang pinakamarami kung saan halos sabay-sabay na masasaksihan ay sa gabi ng ika-21 ng Oktubre hanggang sa madaling-araw ng Oktubre 22.

Gayunman, hanggang sa ika-25 ay masasaksihan at puwede pa ring humiling sa makikitang bulalakaw.

Narito pa ang ilang requirements na dapat taglay ng magwi-wish:

  1. Dapat ay busog.

  2. Hindi uhaw kaya kailangang uminom ng dalawang baso ng tubig.

  3. Maganda ang suot, hindi luma o hindi kupas.

  4. Hindi dapat malaman ng iba ang iyong hiling. Maganda rin kung mag-isa ka lang na maghihintay ng shooting stars, pero puwede ring kasama ang mga friend basta ang mahalaga ay hindi malaman ng iba ang wish.

  5. Masayang manood ng shooting stars, lalo na kapag sama-sama ang magkakaibigan. Gayundin, masaya kung may handa o masarap na pagkaing pagsasaluhan nang magkakasama.

  6. Sa ganito, hindi maiiwasan ang mga biruan na lalong magpapasaya sa lahat.

  7. Muli, ang kabilin-bilinan ay dapat walang nakaalam ng wish.

Bilang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, subukan mong mag-wish upon the shooting stars at malalaman mo kung ito ay magkakatotoo.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page