top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Baka feeling millennial lang, pero ang totoo... Mga signs ng pagiging certified tita na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2019
2 min read

Kung may tao sa opisina natin na kasing-strict ng boss, siya ang tinatawag nating “tita” na palaging nagbibigay ng insights at advice tungkol sa buhay. Noong mga nakaraang taon, pumatok ang term na “tita” para sa mga kuma-career sa adulting life. Gayunman, paano natin malalaman kung ang isa nating katrabaho ay certified office tita?

Narito ang ilang signs na hinding-hindi niya maitatago:

1. OFFICE TITA STARTER PACK. Umpisahan natin sa outfit, mga besh! Madalas mo siyang nakikita na naka-cardigan, shawl, pullover o denim dress. Mahilig din siya sa loafers at white shoes. Bukod pa rito, siya rin ‘yung may keychain sanitizer at large tote bag.

2. MAHILIG SA KAPE O TSAA. Ang certified office tita ay hindi napipigilang kumuha ng kanyang daily dose of happiness — ang kape. Kung mapapansin din ninyo, nahihilig siyang uminom ng tsaa tuwing pagkatapos mag-lunch dahil healthy for digestion daw.

3. MAHILIG MAG-INTERROGATE. “Saan punta?”, “sino’ng kasama mo?” at “saan ang date?” — ito ang madalas niyang itanong kapag may napansin siyang officemate na nakagayak at nakaayos nang bongga. Oh, alam n’yo na?

4. MAY OINTMENT COLLECTION. Ito ang ultimate sign na siya ay certified tita. Kung may tao na maaasahan sa oras ng sakit ng ulo, hilo at baradong ilong, siya ang dapat mong lapitan dahil for sure, may ointment siya. Ha-ha-ha!

5. APPLIANCES IS GREATER THAN PORMA. Kapag nakakakuwentuhan mo siya, mapapansin mong priority niya ang tahanan kesa sa luho at porma. Magugulat ka na lang dahil may bago na siyang appliance at nagpaplano na siyang magpa-renovate ng bahay. ‘Ika nga, adulting is not always ugly, it teaches us to be more responsible. Okie?

6. PALAGING HIGH-BLOOD. Mabilis siyang mag-react at magbigay ng opinion o advice sa usapang “manloloko’, hindi katanggap-tanggap na isyu sa kabataan o showbiz. May kilala ka bang tulad niya?

7. SHOPPING GALORE KAPAG SALE. Dahil madalas na ubos ang suweldo ni tita, alam niya na ang techniques para makatipid at kabilang na roon ang pagsa-shopping kapag sale at pagbili ng mga kailangan lang.

Mga ka-Bulgar, may naalala ba kayong tita dahil sa mga nabanggit o kayo na mismo ang tita? Ha-ha-ha! Huwag n’yong kalimutang ibahagi ang mga ito sa kanila.

Okie? Mabuhay ang mga tita!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page