top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Wanted na holdaper nasakote

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 11, 2019
  • 1 min read

Pampanga—Arestado ang wanted na holdaper kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, Angeles City.

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Hamlet de Ocera, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Ocera kaya agad itong pinuntahan at inaresto ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap si Ocera kaugnay sa kaso nitong robbery sa lalawigan.

Hindi naman nanlaban si Ocera nang arestuhin ng pulisya sa naturang lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page