Bukod sa sobrang hurt sa mga bashers… Sharon, pagod na kaya babu sa Showbiz
- Nitz Miralles
- Oct 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @reallysharoncuneta
May sipon at halatang may sakit pa si Sharon Cuneta sa presscon ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez, pero noong Wednesday, nag-rehearse na si Sharon at may naka-schedule pang two rehearsals bago ang big day ng back-to-back concert nila.
May planong i-tour ang Iconic next year at isa ang tour sa magpapa-busy sa schedule ni Sharon. Sabi nito, fully booked na ang 2020 na tumatama sa plano niyang two years from now ay mag-semi-retire na.
Bukod sa pagod na siya sa 41 years niya sa showbiz, nabanggit ni Sharon na iba na ang showbiz, ang dami nang nabago at nauso pa ang bashers. Nag-dialogue tuloy si Sharon na ang tagal na nila sa showbiz, naba-bash pa rin sila ni Regine.
May nabanggit na three movies na gagawin si Sharon at isa rito ang movie sa Viva Films na adaptation ng Korean movie na Sunny. Nag-Google kami at nabasa ang synopsis ng comedy-drama movie, involved ang music at babagay kay Sharon at sa nabasa namin, may mga makakasama si Megastar sa cast. Sana, sila ni Regine ang pagsamahin sa movie.





Comments