Aktres, napikon, todo-patol… Melissa, inokray sa laki ng braso at katabaan, tinawag na 'Tita'
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @mellyricks09
Ang akala ng basher, porke’t hindi na active si Melissa Ricks sa showbiz ay palalampasin nito ang kanyang pakikialam sa health condition ng aktres.
May pagkabastos ang basher, tinawag na ‘tita’ si Melissa gayung sa kanyang user I.D. ay isa siyang nanay.
Sabi pa ng basher, “Ano’ng nangyari sa‘yo? Bakit ang taba mo at ang laki ng braso mo? Para ka nang tita… ilan na ba ang anak mo?”
Sinagot naman siya ni Melissa, “If mukha akong tita, is that a problem? Isa ang anak ko. Ikaw, ilan anak mo, hopefully wala pa dahil you have no MANNERS… because you are a bad example… I’m just thankful. I don’t have your attitude. No respect.”
Sadyang mapang-asar ang basher at walang magawa sa buhay. Sabi pa nito, “Relax lang po. Nagtatanong lang naman. Akala ko kasi marami ka nang anak dahil sa katawan mo, sorry po. Wala po akong anak, tita?”
Dugtong pa ng basher, ‘wag daw magagalit si Melissa dahil nagsasabi lang siya nang totoo.
Ani Melissa, ‘di raw siya nagagalit kung sinasabihan siya ng mataba or lumalaki. “It’s the manner of how someone says it.”
Pinagsabihan pa ni Melissa ang basher na “MOM SHAMING is not OK. Kesa ganyan ang attitude mo towards other women, sana, mas maging positive at encouraging towards others. Maliit, malaki, maputi man or maitim, payat man o mataba, iisa lang tayo sa mata ng Diyos. It’s who we really are is what’s important. Looks fade but who you are, were always be there.”





Comments