Oh, ha, kaya mo ba, sis?! Hindi pagsusuot ng panty, iwas sa pag-itim ng singit
- Jersey Sanchez
- Oct 11, 2019
- 2 min read

Marami sa atin ang hindi sanay nang walang underwear dahil para sa atin, hindi ito komportable. Pero para sa iba, ito umano ang pinakakomportableng ginawa nila.
Pero alam n’yo bang tulad ng ibang bagay, mayroon itong benepisyo? Anu-ano ba ang mga ito?
1. MAPIPIGILAN ANG PAGLIPAT NG BAD BACTERIA. Sey ng experts, para sa mga babae, ang paggamit ng thongs kesa sa panty ay “no-no”. Ito ay dahil nagdudulot ito ng maaaring paglipat ng bad bacteria mula sa anal area papunta sa vaginal area. Gayundin, maaari umano itong mangyari kahit bagong paligo ang tao.
2. LESS FRICTION KAPAG NAG-EEHERSISYO. Kung nata-trap ng underwear ang pawis at moisture sa buong araw, what more kung nagwo-workout pa tayo? Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na mag-ehersisyo nang walang underwear para makadaloy ang hangin. Gayundin, nakababawas ito ng risk of chafing o pagkiskis ng tela sa balat na sanhi ng maitim na singit.
3. MAKAKAIWAS SA HARSH CHEMICALS. Ang detergent at fabric softener ay may kemikal na maaaring maka-irritate ng balat. Kaya payo ng mga eksperto, mabuting huwag magsuot ng underwear paminsan-minsan para mabigyan ng “break” ang private area.
4. NAKABU-BOOST NG SEX LIFE. Ito na umano ang “fun part” ng hindi paggamit ng underwear. Sey ng experts, nagwo-work ito kapag sa tingin ng indibidwal ay “sexy”, pero kapag hindi talaga nito gusto ang hindi pagsusuot ng underwear o ginagawa lang para sa partner, wa’ ‘wenta ito dahil awkwardness lang ang mararamdaman. ‘Yun lang!
5. NO RISK IN FUNGAL INFECTION. Ang mga underwear ay may heat at moisture at inilalagay ang vulvar tissue sa panganib na ma-develop ang fungal infection na tinea cruris. Kung dadaluyan ng hangin ang area, maiiwasan umano ang impeksiyon.
6. WALANG PROBLEMA SA CIRCULATION. Maraming uri ng underwear ang sobrang sikip, ‘yung tipong kumakati na ang mga singit at dahil dito, nagkakaroon ng mga marka sa balat.
Gayunman, hindi common ang major circulation issues dahil ang discomfort o hindi pagiging komportable ay rason para tanggalin na lang ang underwear.
Ang hindi pagsusuot ng underwear ay hindi para sa lahat, pero para sa iba, marami itong benepisyo. Pero kung willing kang sumubok, why not?
Puwede mo itong simulan nang paunti-unti sa pamamagitan ng hindi pagsusuot nito sa iyong pagtulog at mag-full commando kapag komportable ka na.
Okie?
Comments