Problemado sa panliligaw dahil malayo ang babaeng type
- Roma Amor
- Oct 10, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Jhay, 21, at hindi pa nagkaka-girlfriend. May gusto akong ligawan, nakilala ko siya sa social media at nagkita kami sa isang job fair. Masaya siyang kausap sa call at sa personal kaya lalo akong na-impressed sa kanya. Ngayong pareho na kaming may trabaho, hindi na kami masyadong nagkakausap, pero gusto ko pa rin siyang ligawan. Kaso ang problema, hindi ako makagawa ng paraan dahil sa magkalayo kami. Ano ang dapat kong gawin? – Jhay
Jhay, Kung gusto mo talaga ang babaeng iyon, maraming paraan para ligawan siya, magkalayo man kayo o hindi. Sa panahon ngayon, kayang-kaya nang maging magkalapit ng mga magkakalayo. Pero ngayon, mag-focus ka muna sa pagtatrabaho dahil ganu’n ang ginagawa ng babaeng gusto mo. Gayundin, maghintay ka ng tamang pagkakataon para umamin sa kanya lalo’t busy din siya. Good luck!





Comments