GF na speed skater, sobrang touched… Kangnam, idinaan sa pedicure ang wedding proposal kay Lee Sang

Kakaiba at nakakaaliw ang marriage proposal ng Japanese-South Korean singer na si Kangnam sa speed skater na si Lee Sang Hwa. Ipinalabas ang nasabing proposal sa Same Bed, Different Dreams ng SBS last October 7.
Sinorpresa ni Kangnam ang girlfriend sa bahay at sinabihan ito na ipe-pedicure niya. Alam niyang importante ang mga paa ni Lee Sang Hwa being a speed skater.
Habang nagpe-pedicure si Kangnam ay sinabihan niya ang GF na huwag titingin. ‘Yun pala, nilalagyan na niya ng nail polish na red ang mga toenails ni Lee Sang Hwa at sa bawat daliri ay isinulat ang mga letrang “M-A-R-R-Y M-E.”
Nang makita ito ni Lee Sang Hwa ay labis niya itong nagustuhan.
“It’s so cute!” sambit niya at biglang sumigaw ng “Yes! I say yes!”
Ipinaliwanag ni Kangnam sa interview na ito ang naisip niyang proposal dahil as speed skater, hindi raw ito nakakapagpa-pedicure for 25 years now although ang kamay naman daw nito ay laging naka-manicure at gustung-gusto raw nitong magpa-nail art sa kamay.
Bukod dito ay may mga injuries din daw si Lee Sang Hwa sa paa.
“That’s why I thought that it would be more meaningful to do a pedicure,” pahayag ni Kangnam.
Bukod sa pedicure, nagbigay din ng sulat si Kangnam at singsing na wedding proposal ring daw ng kanyang ina na labis na ikina-touched ni Lee Sang Hwa. Ikinagulat ng lahat ng mga hosts at maging ng skater ang napakalaking diamond stone ng nasabing singsing.
“He was so cute. To be honest, I was emotional so I wanted to cry, but I thought ‘I shouldn’t cry.’ The most touching thing was that even though he’s not good at spelling, he wrote a letter of several pages while thinking about me,” pahayag ni Lee Sang Hwa.
Nagpasilip din ang show ng wedding preparations ng engaged couple na kasalukuyan na nilang isinasagawa. Sa Korea kasi, mas nauuna ang pag-schedule ng wedding ng couple kaysa sa proposal.
Nagkakilala sina Kangnam at Lee Sang Hwa nang pareho silang mag-guest sa Law of The Jungle last year. Nakatakda silang ikasal ngayong Oct. 21.





Comments