top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bad habits kaya hindi gumagaling ang UTI

Jersey Sanchez
Oct 10, 2019
2 min read

Nakaranas ka na ba ng UTI? ‘Yung Umibig Tapos Ini­wan? Joke! Ha-ha-ha! Ang ibig sa­bihin, eh, Urinary Tract In­fection. Ayon sa mga eks­perto, karani­wan itong nararanasan ng kababaihan da­hil mas maiksi ang kanilang urethra kesa sa mga lalaki.

Gayunman, para sa iba, hindi ito big deal kaya hindi nila ito idinaraan sa seryosong gamutan. Ba­gama’t, isa ito sa mga sanhi ng matagal na pag­galing ng UTI, na­rito ang iba pang dahilan:

1. KULANG SA WA­TER INTAKE. Sa pag-aaral na na-published sa JAMA Internal Medicine, napag-ala­man ng mga researcher na ang hindi madalas na pag-inom ng tubig ang isa sa mga san­hi ng matagal na pagga­ling ng UTI.

Ayon sa mga eksper­to, ang pag-inom ng ma­raming tubig ay nakatu­tulong para mailabas ang impeksiyon mula sa blad­der.

2. HINDI TINATA­POS ANG ANTIBIO­TIC. Habang nasa pro­seso ng pag-inom ng anti­biotic, na­raramdaman na­tin na unti-unti tayong na­kare-recover.

Pero, hindi ibig sabihin nu’n na titigil na tayo sa pag-inom nito kahit hindi pa tapos ang panahon na ibinigay ng doktor.

Ma­halaga na kumple­tuhin ang panahon na iti­nakda ng mga doktor para makasiguradong natang­gal na ang impeksiyon sa katawan.

3. HOME REME­DIES. Sino ba ang ayaw ng home remedies kung effective naman, ‘di ba?

Wala namang masama na umasa sa home re­medies, pero kung kalusu­gan natin ang nakasala­lay, mabuting kumonsulta sa doktor para sa mas ma­bisa at maayos na gamu­tan.

4. PAG-INOM NG GAMOT KAHIT WA­LANG RESETA. Kapag nakararanas ka na ng ilang sintomas ng UTI, sigura­dong papasok sa isip mo na uminom agad ng mga gamot o antibiotic kahit hindi ka pa ku­mokonsulta sa doktor.

Mga besh, hindi ito ma­gandang makasa­na­yan dahil hindi tayo ang may sapat na kaalaman para masabi na makabu­buti ang gamot na iinumin natin.

Mga besh, hindi ma­da­ling magkaroon ng UTI kaya dapat nating seryo­ohin ang mga ipinapayo ng doktor. Gayundin, make sure na ititigil n’yo na ang mga na­kasana­yang ito para mabilis na gumaling. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page