Non-showbiz GF ang mas pinili… Carlo, umaming pinaasa nga si Angelica
- Beth Gelena
- Oct 9, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Guests sina Carlo Aquino at Maine Mendoza sa Tonight with Boy Abunda nu’ng Lunes.
Nasa show ni Boy Abunda ang dalawang celebrities para mag-promote ng kanilang movie na Isa Pa with Feelings.
Ayon sa dalawang lead stars ng movie, nu’ng una ay nagkakailangan sila pero nang magkatagalan ay nagkahulihan din ng loob.
Ani Maine, “Seryosong tao si Carlo. Nakatutuwa dahil fangirl talaga niya ako. Ngayon, hindi ko akalaing magkakasama kami sa isang pelikula.”
Biro naman ni Carlo, “Bata pa lang ako, napapanood ko na si Maine.”
Biglang siniko ni Maine si Carlo at sabay sabing “10 taon tanda mo sa akin, ‘noh.”
Twenty-four si Maine at 34 years old naman si Carlo.
Nagtanong si Tito Boy ng personal questions sa dalawa pero nagpasintabi muna ito lalo na kay Carlo.
Tinanong ni Tito Boy ang aktor kung minahal daw ba talaga nito si Angelica Panganiban.
Matagal bago sumagot si Carlo, “Oo naman. Oo naman.”
“Pinaasa mo ba si Angelica?” tanong uli ni Tito Boy.
“Yes po,” sagot ni Carlo pero esplika niya, bigla raw kasi uli silang nagkaroon ng koneksiyon ni Trina (ang GF ngayon ng aktor).
Noon daw kasing may ginagawa silang pelikula ni Angelica ay nawalan na sila ng koneksiyon ni Trina kaya nabalik ang pagmamahal niya sa aktres.
Nang mapunta naman ang tanong kay Maine kung sino ang pipiliin niya, mestizo o kayumanggi, mestizo ang pinili ni Maine.
“Among Carlo, Alden Richards at Arjo Atayde, sino ang pipiliin mo?” tanong ni Tito Boy.
Without bashing an eyelash, si Arjo ang pinili ni Maine.
Ayon kay Maine, kaya raw naging malapit agad ang loob niya sa Kapamilya actor ay dahil halos magkapareho sila ng ugali.





Comments