Horoscope | Oktubre 09, 2019 (Miyerkules)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 9, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 9, 2019 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ikaw ay yayaman. Hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap at paghihirap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lihim kang inaalalayan ng langit upang mapasaiyo ang mga malalaking ambisyon mo kaya walang dahilan para hindi ka yumaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-17-20-23-31-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumaraan ka sa pagsubok upang maging matibay at malakas ka. Sa huli, makakaya mo ang mga pagsubok at hindi masasayang ang malalaking suwerte na inilaan ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-21-25-30-41-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung aaminin mo, ikaw ay kapos sa pagiging seryoso dahil ang isa pang maaaring hindi mo aminin ay pabagu-bago ka ng isip. Tutok ang kailangan mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-25-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Pag-aralan mo kung paano mo makokontrol ang emosyon. Kapag kontrolado ng tao ang kanyang sarili ay makokontrol din niya ang kanyang buhay at buhay ng ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-23-26-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bakit umaasa ka sa kapwa mo? Sa langit ka umasa at kumapit dahil tiyak na hindi ka mabibigo. Samantala, ang umaasa sa kapwa ay kadalasang sumasama lang ang kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-28-30-33-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labanan mo ang lungkot, inis at galit mula sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Kapag maganda ang iyong isip, gaganda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-21-24-26-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tukso rin ang mag-uudyok ng biglaang pagpapalit ng hanapbuhay. Kaya dapat ihanda mo ang iyong sarili at bago ka maghanap ng ibang pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-15-21-22-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sapat ang talino at kaalaman na nakuha mo sa iyong mga karanasan para gumanda ang iyong buhay. Huwag kang matakot sa mga biglaang pagbabago ng takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-29-30-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sasama lang ang loob mo kapag nagpatulong ka. Matutuwa ka kapag ikaw ay mag-isa lang. Kamangha-mangha ang magiging diskarte mo sa proyektong nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-25-26-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalaking suwerte ang nag-aabang sa landas na iyong nilalakaran kaya huwag na huwag kang hihinto, anuman ang iyong maranasan ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-24-25-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Akala mo, hindi mo makukuha ang gusto mo. Akala mo hindi umaayon sa iyo ang mga kaganapan. Tulad mo, marami nang nag-akala pero sa huli, sila ay nagtatatalon sa tuwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-12-23-31-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi biro ang magtanim dahil maghapon kang nakayuko, ganundin din ang mamasukan. Ngayon, bibigyan ka ng pagkakataong makapagsarili para magkaroon ka ng sariling hanapbuhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-16-29-30-33.




Comments