top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bukod sa baboy at mga nabubuhay sa tubig.... Ibon, daga, bayawak at mga namatay na hayop, ipinagbaba

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Oct 9, 2019
  • 3 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa email ni Joy ng Joyjoy_De_Silva@ facebook.com

Sa iyo Joy, Noong nakaraang isyu, ibinahagi natin na ang ilang nabubuhay sa tubig ay bawal kainin, ayon kay God. Ayon kay God, narito ang iba pang bawal kainin:

“At sa mga ibon ay aariin ninyong karumal-dumal ang mga ito; hindi kakainin, mga karumal-dumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto at ang agilang dagat: At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kanyang pagka-limbas; Lahat ng uwak, ayon sa kanyang pagka-uwak; At ang avestruz, chotacabras at gaviota, at ang gavilan ayon sa kanyang pagka-gavilan; At ang maliit na kuwago, somormuho at malaking kuwago; At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano at ang buwitre; At ang ciguena, ang tagak ayon sa kanyang pagka-tagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.

Lahat na may pakpak na umuusad at lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo. Gayunman, ang mga ito ay inyong makakain sa lahat ng may pakpak na umuusad na may apat na paa, ang mga may dalawang paang mahaba, bukod pa sa kanilang mga paa, upang kanilang ipanglukso sa lupa; Sa kanila’y makakain n’yo ang mga ito: ang balang ayon sa kanyang pagka-balang, at ang lukton ayon sa kanyang pagka-lukton at ang kuliglig-lupa ayon sa kanyang pagka-kuliglig at ang tipaklong ayon sa kanyang pagka-tipaklong. Datapwat lahat ng may pakpak na umuusad na mayroong apat na paa ay kasuklam-suklam nga sa inyo.

At sa mga ito ay magiging karumal-dumal kayo: sinumang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumal-dumal hanggang sa hapon: At sinumang bumuhat ng bangkay ng mga iyan ay maglalaba ng kanyang mga suot at magiging karumal-dumal hanggang sa hapon. Bawat hayop na may hati ang paa na hindi baak o hindi ngumunguya ay karumal-dumal sa inyo: bawat humipo sa mga iyan ay magiging karumal-dumal. At anumang inilalakad ang kanyang pangamot sa lahat ng hayop na inilalakad ang apat na paa ay karumal-dumal nga sa inyo: sinumang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumal-dumal hanggang sa hapon. At ang bumuhat ng bangkay ng mga iyan ay maglalaba ng kanyang mga suot at magiging karumal-dumal hanggang sa hapon: mga karumal-dumal nga sa inyo.

At ang mga ito’y karumal-dumal sa inyo, sa mga umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa: ang bubuwit, daga at bayawak ayon sa kanyang pagka-bayawak; At ang tuko, buwaya, butiki, bubuli at ang hunyango. Ang mga ito’y karumal-dumal sa inyo sa lahat ng umuusad: sinumang mangakahipo sa mga iyan, pagkat ang mga ‘yan ay patay, ay magiging karumal-dumal hanggang sa hapon. At yaong lahat na kabagsakan ng mga ‘yan, pagkapatay ay magiging karumal-dumal nga: maging alinmang kasangkapang kahoy, bihisan, bala, supot at alinmang kasangkapang ginagamit sa anumang gawa sa tubig, dapat ilubog at magiging karumal-dumal hanggang sa hapon; kung magkagayo’y magiging malinis.

At bawat sisidlang lupa na kahulugan ng mga iyan, lahat ng nalalaman doon ay magiging karumal-dumal, at yao’y inyong babasagin. Lahat ng pagkain na makakain na kabuhusan ng tubig ay magiging karumal-dumal; at lahat ng inuming maiinom na masilid sa alinman sa mga gayung sisidlang lupa ay magiging karumal-dumal. At lahat ng kahulugan ng anumang bahagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumal-dumal; maging hurno o kalan ng mga palayok ay babasagin: mga karumal-dumal nga at magiging karumal-dumal sa inyo.

Gayunman, ang isang bukal o balon na tipunan ng tubig ay magiging malinis: datapwa’t ang masagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumal-dumal. At kung mahulugan ng kanilang bangkay ang alinmang binhing panghasik na ihahasik ay malinis. Ngunit, kung nabasa ang binhi at mahulugan ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumal-dumal sa inyo.

At kung ang anumang hayop na inyong makakain ay mamatay; ang makahipo ng bangkay niyang iyon ay magiging karumal-dumal hanggang sa hapon. At ang kumain ng bangkay na iyon ay maglalaba ng kanyang suot at magiging karumal-dumal hanggang sa hapon: gayundin ang bumuhat ng bangkay na iyon ay maglalaba ng kanyang suot at magiging karumal-dumal hanggang sa hapon.”

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page