Bagong GF, dudang balikan ng lalaki ang dating ka-live-in
- Roma Amor
- Oct 9, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Ralph, 22, hiwalay na kami ng dati kong live-in partner at may isa kaming anak. Naghiwalay kami dahil nakipagrelasyon siya sa katrabaho niya. Ngayon ay may GF na ako at alam niya ang lahat ng tungkol sa past ko pero, mukhang nag-aalinlangan siya sa akin. Natatakot siya na baka bumalik daw ang ex ko at ipagpalit ko siya kahit ipinaliwanag ko sa kanya na matagal na kaming tapos. Ano ang dapat kong gawin? – Ralph
Ralph, Hindi mo maaalis na magkaroon ng pangamba ang GF mo dahil may mga pagkakataon na pinipiling bumalik ng isa sa kanyang nasimulang pamilya. Kung sa tingin mo ay hindi na talaga kayo magkakabalikan ng ex mo, ipaliwanag mo sa kanya dahil baka iyon ang kailangan niyang marinig. Normal lang na matakot siya kaya para mapanatag ang loob niya, huwag kang mawala sa tabi niya, gayundin, huwag kang sumuko sa pagpaparamdam sa kanya na mahal na mahal mo siya. God bless!





Comments