Babaeng bumigay agad sa foreigner BF dahil sa pramis na kasal, seseryosohin at dadalhin sa Australia
Maestro Honorio Ong

Katanungan
May karelasyon akong foreigner at dalawang beses na siyang bumisita rito sa Pilipinas. Nang huling magkita kami, sinabi niya na babalik siya sa Australia para ayusin ang aming mga papeles at magpapakasal na kami. Mag-iisang taon na pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Nagkakilala kami sa chat at pagkatapos ay pumasyal siya rito para magkita kami.
Maayos naman ang pag-uusap namin kaso, ipinagtataka ko lang kung bakit hindi pa rin siya bumabalik? Naka-chat ko ulit siya at sinabi niya na hindi pa tapos ang mga inaayos niya roon.
Gusto kong malaman kung babalik pa kaya siya o puro pangako na lang siya matapos makuha ang aking pagkababae?
Ano ang nakaguhit sa aking mga palad? Siya na kaya ang makatutuluyan ko at may pag-asa kaya akong makarating at tumira sa Australia?
Kasagutan
Babalik ang boyfriend mong foreigner dito. Ito ang nais sabihin ng maayos at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na kung siya ang first boyfriend mo at noong umuwi siya rito sa ating bansa ay naging maganda ang relasyon ninyo, Huwag kang mag-alala dahil sa bandang huli, maayos at smooth sailing din sa pag-aasawa ang hahantong sa inyong love life.
Ang pag-aanalisang babalikan ka ng boyfriend mo at pakakasalan pagkatapos ay yayayain ka sa Australia ay madaling kinumpirma ng malawak, malinaw at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na may isang panahon sa iyong buhay na nakatakda kang makapag-asawa ng foreigner at ang pag-aasawang nabanggit ay magiging daan upang ikaw ay makapanirahan sa ibang bansa hanggang sa maging citizen ka na roon at doon ka na rin magkakaroon ng maunlad at maligayang pamilya, habambuhay.
Dapat Gawin
Minsan, suwertehan lang ang buhay at isa ka sa mga sinuwerte sa pag-aasawa. Camile, kung ipagpapatuloy mo ang pakikipag-ugnayan sa boyfriend mo, ayon sa iyong mga datos, sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Abril o Mayo ay muling papasyal ang boyfriend mo upang yayain kang magpakasal at manirahan sa Australia upang doon na rin kayo bumuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments