top of page

Alin kaya kayo rito, besh? Kahulugan ng posisyon sa pagtulog ng mag-asawa

  • Twincle Esquierdo
  • Oct 9, 2019
  • 2 min read

Ayon sa mga eksperto, ang posisyon sa pagtulog ay nag­pa­pakita ng personalidad ng indi­bid­wal. Gayunman, para sa mga magkarelasyon o mag-asawa, nakatutulong ito para ma­ging ma­­ayos at matatag ang ka­nilang pag­sasama.

Dahil iba’t iba ang posisyon ng bawat couple sa kanilang pagtulog, siguradong may kahulugan ito na sumisimbolo sa kanilang pagsasama. Anu-ano ang mga ito? Mga ka-Bulgar, sabay-sabay nating alamin ang mga tawag at kahulugan ng posisyon sa pagtulog ng mag-asawa:

1. SPOONING. Ito ang posisyon kung saan nakayakap ang lalaki sa babae habang ito ay nakatalikod sa kanya. Sumisimbolo ito ang seguridad ng bawat isa.

2. THE LOOSE SPOON. Halos ka­pareho rin nito ang spooning pero, may ka­unting espasyo sa pagitan ng couple at ito ay nagpapakita na supportive sila sa isa’t isa. Gayundin, magkasama nilang hinaharap ang mga problema sa pagsasama at buhay dahil lubos silang nagkakaunawaan.

3. TANGLE. Ang posisyong ito ay intimate dahil magkayakap ang couple at ang kanilang mga braso at binti ay parang magkabuhol. Madalas itong ginagawa ng mag-asawa na nasa honeymoon stage.

4. UNREVEALING KNOT. Ito ay kabaligtaran ng posisyon ng tangle dahil mag­kahiwalay o may espasyo sa pagitan ng mag-asawa pero, hindi ibig sabihin nito ay mag­kaaway sila, sa halip, ito ay sumisimbolo sa matatag na relasyon.

5. LIBERTY LOVERS. Ang couple ay natutulog nang magkatalikod pero, may espasyo. Ito ay nagsasabing, ang couple ay nanatiling konektado sa isa’t isa at secured. Gayundin, sila ang uri ng couple na indepen­dent kung saan kayang mag-function ng isa kahit wala sa tabi niya ang kanyang partner.

6. HEAD ON CHEST. Nakapatong ang ulo ng babae sa kanyang partner na simbolo na may tiwala at confident sila sa isa’t isa gayundin, isa ito sa power indicator ng mga couple. Ang pagpatong ng ulo ng babae sa partner ay nagsasabi na siya ay dependent sa kanyang partner at ang po­sisyon ng lalaki ay sumisimbolo na kaya ni­­yang protektahan ang kanyang kabiyak.

7. FACE-TO-FACE. Ang magkare­lasyon ay magkaharap at noo lamang ang magkadikit sa kanilang dalawa. Ayon sa mga eksperto, ito ay nagpapakita ng intimacy at close communication.

8. LEG HUGGING. Ang pagpatong ng mga binti na simbolo na ang mag-partner ay nasa magandang pagsasama kahit hindi sila masyadong magkadikit sa pagtulog. Ayon sa mga eksperto, ang posisyong ito ay nakatutulong para makabuo ng malalim na koneksiyon at emosyon ang mag-partner.

9. HAND TOUCHING. Ang pagtu­log nang may espasyo pero magkahawak ang mga ka­may ay nagpapakita ng koneksiyon at con­fidence sa bawat isa. At ang minimal touch na ito ay nagpapaalala ng present affection sa mga oras na iyon.

Ayan, mga ka-Bulgar, para sa mga mag-asawa r’yan, malalaman n’yo ang sinisim­bolo ng inyong posisyon ng pagtulog sa re­lasyon. Ga­yunman, huwag natin iasa lang sa po­sisyon ng pagtulog ang kaayusan ng relasyon dahil kasabay nito, pairalin din ang tiwala at komunikasyon para maging mati­bay ang inyong pagsasama, ‘Ika nga, com­munication is the key. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page