Aktor, todo-like sa mga posts ng miyembro ng grupo… Hirit ng black pink fans: Alden, gamit na gamit
- Nitz Miralles
- Oct 9, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / Bida

Ini-report sa 24-Oras ang pagiging fanboy at pagkakaroon ng crush ni Alden Richards sa Black Pink member na si Lisa Manoban.
‘Katuwa ang sabi nito na “Whoa, ang galing! Whoa, ang cute! Whoa, ang ganda n’ya. Hanggang sa ayun na, na-hook na ako kay Lisa.”
Sa sobrang hooked nga ni Alden kay Lisa, lagi niyang nila-like ang posts nito at mababasa ang pangalan ng aktor sa bawat post ng K-pop idol. Ang maganda pa, natutuwa ang mga fans ni Lisa kay Alden at may isa ngang na-curious sa aktor at pinanood ang Hello, Love, Goodbye para mas makilala pa ang Pambansang Bae.
Kasama rin ang stans (fans) ni Lisa sa mga fans ni Alden na ipinagtatanggol ang aktor sa stans ng isa pang Black Pink member na si Jennie Kim na inakusahang “clout chaser” si Alden na ang ibig sabihin, kumakapit sa sikat na tao. Sikat na raw si Alden para kumapit kay Lisa. Sabi pa ng stans ni Lisa, kaya nag-iingay ang mga fans ni Jennie ay dahil hindi ang favorite nila ang ini-stan ni Alden.
Nabanggit pala ni Alden na sa Korea niya gustong dalhin ang pamilya niya sa Christmas, kaya hindi na magtataka ang mga supporters niya kung gumawa siya ng paraan to meet Lisa.
Anyway, sa ngayon, happy na si Alden na i-stalk ang IG ni Lisa at maglaro ng Mobile Legends na pampaalis niya ng pagod sa taping ng The Gift.
Nape-pressure ang buong team ng The Gift na mas pagandahin pa ang teleserye na pinagbibidahan ni Alden dahil sa positive feedback ng mga viewers na pati casual viewers ay dumarami. Ayaw nilang i-disappoint ang mga sumusubaybay, kaya may team effort na mas pagandahin pa ito.





Comments