top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magaganda at buong butil ng bigas, sign na susuwertehin sa kabuhayan

Socrates Magnus
Oct 8, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ruby ng Ruby_Lyn@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip daw ang biyenan kong babae ng butil ng bigas na napakaganda at buo. Gusto raw niyang bumili ng dalawang kilo nu’n dahil P50 lang ang kilo, pero hindi siya nakabili dahil may tumawag daw sa kanya at sinabing aalis na sila hanggang sa nagising na siya. Maraming salamat!

Naghihintay, Ruby

Sa iyo Ruby, Maraming bagay ang napapanaginipan na ang ibig sabihin ay magandang kapalaran tulad ng napanaginipan ng biyenan mo na bigas na buo ang butil at napakaganda dahil ang bigas na ganu’n ay first class. Ibig sabihin, first class din ang suwerte na mapupunta sa biyenan mo.

Alam mo, iha, bihira lang ang bigas na inilarawan sa panaginip ng biyenan mo dahil halos wala nang magsasaka na puwedeng magkaroon ng palay na buo ang mga butil.

Ito ay dahil ang buong mga butil ay mula sa palay na “Laon” o ang mga palay na matagal nang nakaimbak.

Sa panahon ngayon, bihira na ang magsasaka na nagtatago ng aning palay dahil sila ay baon sa utang, kaya hindi pa man inaani ang tanim ng mga magsasaka ay masasabing hindi na kanila ang aanihin kundi sa nagpautang sa kanila.

Balikan natin ang iyong panaginip, muli, susuwertehin ang biyenan mo at ang suwerte niya ay sa larangan ng kabuhayan.

Gayunman, ayon sa panaginip, maaantala ang dating sa kanya, pero sure na sure na siya ay pinaglaanan ng langit ng suwerteng ang katumbas ay masaganang buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page