Single mom GF, gusto nang pakasalan pero umaayaw pa

Dear Roma, Tawagin n’yo akong Mark. May GF ako at single mother siya. Gusto ko na siyang yayaing magpakasal pero tuwing napag-uusapan naming ‘yun ay parang naiilang siya kaya iniiba ko na lang ang topic. Roma, gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya at tanggap ko ang anak niya. Ano ang maipapayo niyo sa akin? Salamat. —Mark
Mark, Bihira ang tulad mo na tanggap ang nakaraan ng tao. Alam mo, maaaring hindi pa siya isandaang porsiyentong handa sa pag-aasawa pero, siguradong kaya mong maghintay hanggang sa araw na iyon kaya kapit lang. Sa ngayon, patuloy mong iparamdam sa kanya na handa ka nang makasama siya habambuhay. Okay? Kaya mo ‘yan!





Comments