top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Oktubre 07, 2019 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Oct 7, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 7, 2019 (Lunes): Magsasawa ka sa sarap ng buhay na paulit-ulit na guguhit sa iyong kapalaran na tila walang katapusan. Kahit sa pagtanda mo, masaya pa rin ang buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tukso ang nasa likod mo, ga­yundin ang nasa kaliwa at kanan mo pero, nasa harapan mo ang pangako ng magan­dang buhay kaya magpa­tuloy ka sa hindi pagli­ngon sa mga tukso. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi pa sa­pat ang magan­dang buhay mo kung langit ang tatanu­ngin. Padadalhan ka pa Niya ng magagandang ka­palaran upang malubos ang iyong kagalakan. Ito ang men­sa­he para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-24-27-36-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Inspirasyon ang makuku­ha mo sa bago mong makikilala. Ingatan mong mahulog ang loob mo dahil muli, inspiras­yon lang siya sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-15-23-32-37.

CANCER (June 21-July 22) - Muling magbabalik ang malakas mong karisma. Maaakit sa iyo ang sinumang mapalapit sa iyo kaya kung puwede, piliin mo ang lalapitan mo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-20-25-38-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di iiral ang mga suwerte mo hanggang sa magsarili ka at hindi na umasa sa iba. Nakama­sid ang langit at naghihin­tay na makawala ka sa na­karaan para masimulan na ang bagong kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-26-32-34-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malakas ang pang-akit ng taong may talas ang isip. Nakagagayuma ang taong matalino at ma­raming nalalaman. Ikaw ay kabilang sa nasabing mga nilalang. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-16-25-30-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, binig­yan ka ng prebile­hiyo na hawa­kan ang iyong kapalaran. Pagbutihin mo dahil ang ibig sabihin nito ay maga­gawa mo ang anumang gus­to mong gawin sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-16-21-23-26-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansaman­talang nabu­bu­hay ang tao para sa sarili lamang, pero, hindi magtatagal ay mag­ha­ha­nap siya ng magpa­pa­saya sa kanya. Para sa iyo, ito ay ngayon na. Muli, ngayon na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-22-28-39-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo nang ma­higpit ang nasa sa iyo na. Ito ang isa sa pi­nakamabisang pormula ng pagpapayaman. Huwag kang gumaya sa iba na ni­lulustay ang kanyang ka­buhayan. Masuwerteng ku­lay-biege. Tips sa lotto­-13-19-21-24-26-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito sa kung sino ang seryoso sa iyo. Sinusukat ang talas ng espada sa init ng apoy at lamig ng tubig. Ipa­kita mo ang hindi ma­ganda sa iyo, kung sino ang ma­natili, siya ‘yun. Masu­wer­teng kulay-blue.Tips sa lotto-9-10-14-28-30-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malalim ang salita ng tunay na hula pero, sa iyo ay simpleng-simple lang at madaling maunawaan dahil sinasabing ang mga suwerte ay magsi­silapit sa iyo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-21-25-29-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa sa­lita nang salita dahil ang mga mandaraya ay walang tigil sa kasasa­lita, sobrang kulit at ma­pagpilit. Mag-ingat ka da­hil sila ay magdaratingan sa bu­hay mo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-7-14-16-27-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page