top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hindi lang baboy... Hipon, pugita, alimango, alimasag, tahong, halaan, suso at talaba, ipinagbabawal

Sr. Socrates Magnus II
Oct 7, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa email ni Joy ng Joyjoy_ De_Silva@facebook.com

Sa iyo Joy, Noong nakaraan, ibinahagi natin ang letra-por-letrang sinabi ni God tungkol sa tanong mo kung ang baboy ay ipinagbabawal kainin dahil hindi ito ngumunguya. Sabi ni God, “Ang baboy, sapagkat hindi ngumunguya ay huwag ninyong kainin.”

Dito sa Maynila, ang pinakamabiling karne ay karne ng baboy, pero bihira lang sa siyudad ang may alagang baboy kaya ang karamihan ng tao ay hindi alam kung ang baboy ay ngumunguya o hindi.

Ang pinagtatalunan ay kung ngumunguya ang baboy o hindi, pero malinaw na si God na may likha sa baboy ang nagsabi na ang baboy ay hindi ngumunguya.

Ang isa mo pang tanong ay tungkol sa mga isda. Ano ang sinabi ni God tungkol sa mga isda?

  • Sa Ingles:

“These shall ye eat of all that are in the waters: whatsoever hath fins and scales in the waters, in the seas, and in the rivers, them shall ye eat.

And all that have not fins and scales in the seas, and in the rivers, of all that move in the waters, and of any living thing which is in the waters, they shall be an abomination unto you:

They shall be even an abomination unto you; ye shall not eat of their flesh, but ye shall have their carcasses in abomination.

Whatsoever hath no fins nor scales in the waters, that shall be an abomination unto you.”

  • Sa Tagalog:

“Ang mga ito’y inyong makakain sa mga nasa tubig: alinmang may mga palikpik at kaliskis sa tubig sa mga dagat at ilog ay makakain ninyo.

At lahat ng walang palikpik at kaliskis sa mga dagat at ilog, sa lahat ng mga gumagalaw sa tubig at sa lahat ng may buhay sa tubig ay pawang karumal-dumal nga sa inyo.

At magiging karumal-dumal sa inyo; huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan at ang bangkay ng mga iyan ay aariin ninyong karumal-dumal.

Anumang walang palikpik at kaliskis sa tubig ay magiging karumal-dumal sa inyo.”

May kaliskis ba ang hipon? Wala, kaya bawal itong kainin. May kaliskis ba ang pugita? Wala, kaya bawal din itong kainin.

May kaliskis ba ang alimango at alimasag? Wala.

Ang tahong, halaan, suso at talaba ay may kalikis ba? Wala rin.

Ayon kay God, ang mga ito at iba pa ay huwag kainin. Ipinapayo ng mga doktor na huwag kainin ang mga nabanggit dahil ayon sa siyensiya, ang mga ito ay ang basurero o scavengers of the ocean.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page