top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

90,000 trabaho sa ‘Pinas at abroad, bawas-tambay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2019
  • 1 min read

Simulan natin ang linggong ito ng good news bago pa ang kaliwa’t kanang kontrobersiya.

Para sa mga tambay na masipag mag-apply, may halos 90,000 trabaho ang magbubukas ngayong Oktubre kung saan pinakamaraming bakante ay sa industriya ng business process outsourcing tulad ng customer service agent at technical service representative. Hiring din para sa mga financial advisor, human resource staff at cashier.

Kabilang sa 90,000 na magbubukas na trabaho ay ang 20,000 puwesto sa gobyerno habang 15,000 naman ay sa ibang bansa. Kung pinaplanong mag-abroad, may mga bakante para sa mga chef, therapist, dental technician, staff nurse, software engineer, welder at fabricator.

Hindi maitatanggi na isa pa rin sa mga problema ng bansa ay ang kawalan ng trabaho ng ilan.

Minsan, nakapagtataka na maraming bakante at aplikante, pero meron namang hirap makapasok.

Habang ‘yung iba, nakikipagsapalaran pa rin sa ‘endo’, walang kasiguraduhan kung hanggang kailan may kayod. Hindi alam kung after five months, mari-renew ba o nganga na.

Kaya malaking bagay ‘pag ganitong may maramihang trabaho na nagbubukas. ‘Yung mga gusto talagang magtrabaho pero hindi lang nabibigyan ng pagkakataon ay nabubuhayan ng loob.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page