Yulo, susubok sa 49th World C’SHIPS para makakuha ng slot sa Tokyo

Susubok si Carlos Edriel Yulo na makakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsabak sa 49th Artistic Gymnastics World Championships simula ngayong araw hanggang Oct 13 sa Hanns-Martin-Schleyer-Halle Arena sa Stuttgart, Germany.
Sisimulan ni Yulo ang 1-week event sa Men’s qualification at sunod niyang lalahukan ang Men’s Individual All-Around sa Oktubre 11 at Men’s Apparatus na may mga event na floor, parallel bars, pommel horse, still rings, vault, balance beam, uneven bars at horizontal bar sa Okt.12-13.
Kinakailangang makapag-podium finish ang 19-anyos na gymnasts upang masiguro ang isang slot sa quadrennial meet, gayundin ang makapasok siya sa top-12 sa individual all-around at maging kauna-unahang Southeast Asian na makapasok nang diretso.
Ang artistic gymnasts ay umaasang masusundan ang naging magandang performance sa 2018 Doha World Championships kung saan nakapag-uwi siya ng kauna-unahang tansong medalya sa Floor Exercise at masundan ang yapak ni Pole Vaulter Ernest Obiena na nag-qualify na sa 2020 Tokyo Games.
Malaki ang paghangang natanggap ni Yulo mula sa mga opisyales ng International Gymnastics Federation (FIG), maging ang sikat na gymnastics icon na si Nadia Comaneci, ang natatanging gymnasts na naka-iskor ng pitong perfect 10 sa Olympics, ay napabilib nito sa performance sa World Championships.





Comments