top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Si Nancy lang dapat, manager ng Korean girl group, ayaw pumayag… Kalat na: Dos, napilitan lang papir

  • Beth Gelena
  • Oct 6, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Nag-sign ng kontrata ang Momoland singing group sa ABS-CBN. Pero hindi lahat ng netizens ay sang-ayon sa pag­pirma ng kontrata ng Korean girl group.

Anila, parang hindi na raw tama na kunin pang talent ng ABS-CBN ang Momoland. Parang wala na raw kasi silang masyadong ingay. Ang Black Pink daw ang matunog ngayon internationally.

“Hindi naman kasi sila sikat sa SoKor unlike Black Pink,” sambit ng fan.

Sa ‘Pinas at Vietnam lang daw sikat at pinag­ka­kaguluhan ang Momo­land. Nag-offer lang ang Dos kaya tinanggap nila.

Pagtatanggol naman ng isang netizen, “Naging kilala rin naman (ang Mo­moland). I watched Running Man and memorize pa nga nila ru’n ang steps ng Boom Boom. Hindi lang yata na-sustain at mas magaling ang management ng Red Velvet, Black Pink, at Twice.”

Bakit nga ba kaila­ngan pang kumuha ng foreign artists ng Kapa­milya Network? Marami raw silang naka-freeze na talent, ba’t hindi ang mga ‘yun ang pagtuunan ng pansin at effort ng network?

Pero, ano itong nasa­gap naming tsismis na si Nancy lang daw dapat ang gustong kunin ng ABS-CBN pero tumanggi ang company nila kaya buong Momoland ‘yung binigyan ng kontrata? Si Nancy lang daw kasi ang nagdadala sa grupo.

“Ang catchy lang talaga nu’ng Boom Boom, plus mukha at katawan ni Nancy ang nagdala. At siya ang makakapareha ni James Reid,” komento pa ng netizen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page