top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magdyowa, kaya raw nakakapag-abroad nang walang chaperone… Sarah, bawal tanungin sa kalat nang kasal

  • Nitz Miralles
  • Oct 6, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Ang strong ng pahayag ni Director Jun Lana na “This is Sarah’s bravest performance, yet... she will surprise everyone in the movie,” na ang tinutukoy ay ang role ni Sarah Geronimo as Jasmine sa Viva Films and The Idea First movie na Unforgettable.

Wala kayang magreklamo na mga naging direktor na ni Sarah sa mga una niyang pelikula?

In fairness, sa trailer pa lang kung saan limited pa ang mga ipinakitang eksena ni Sarah, eh, malakas na ang dating sa mga moviegoers. Curious na ang manonood kung anong sakit meron si Sarah dahil sa ipinakitang kilos at mannerisms nito.

Sabi naman ni Sarah, very challenging at different role ang ginampanan niya sa Unforgettable at nagawa niya nang tama sa guidance at tulong nina Directors Jun at Perci Intalan.

Dagdag na panghatak ng Unforgettable ang Jack Russell Terrier dog na si Milo na sa movie, Happy ang pangalan.

May gusto ring mapanood ang pelikula para malaman kung ano ang role ng guest stars na sina Cherie Gil, Regine Velasquez, Anne Curtis, Marco Gumabao at Tirso Cruz III.

Kasama rin ni Sarah sa Unforgettable sina Yayo Aguila, Ara Mina, Meg Imperial at Gina Pareño.

Samantala, bawal daw ta­nungin ng personal questions si Sarah sa mediacon ng movie, hindi tuloy siya natanong sa sitsit na baka kasal na sila ni Matteo Guidicelli dahil naka­kapag-abroad na silang dalawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page