top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 06, 2019 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 6, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 6, 2019 (Linggo): Bilis ang sandata mo para sa lahat ng pangarap mo. Ang anu­mang pag-aalinlangan ay hindi makabubuti para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo agad ang mga gusto mong gawin. Ito ang susi para hindi ka masingitan ng iyong mga karibal at li­him na kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-39-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang hahad­lang sa kagus­tuhan mo pero, huwag mo silang pansinin at mag­bingi-bingihan ka. Duma­rami talaga ang mga ku­mokontra kapag ang tao ay magtatagumpay na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-26-30-34.

GEMINI (May 21-June 20) – Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Ngayon ang pagkakataon para iwanan nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya at karibal. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-6-17-20-23-39-46.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magdu­duda sa kaka­yahan mo. Mas maganda kung magdududa ka sa ka­kayahan ng iyong mga ka­laban nang sa gayun ay magawa mong sumugod at talunin sila. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-10-21-25-26-37-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung naniniwala kang malakas ka sa itaas, hin­­­di mo kailangan ang sinu­man para gumanda ang iyong buhay. Tiwala sa sa­rili at sa Kanya ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-22-25-31-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka nga­­yon at para mapatunayan mo, makipagsapalaran ka. Gayunman, kahit hin­di mo ito gawin, ang suwerte ay maglalapitan sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-13-18-23-24-39-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka na parang ikaw ay masaya kahit may lihim kang lungkot. Tulad noon, kapag masama ka, nagdaratingan sa bu­hay mo ang magagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-7-10-14-16-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Buksan mo ang puso mo sa kaaway mo. Walang magagawa ang kahit sino kapag ang pag-ibig ang sandatang ipi­nanlaban mo sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-20-21-27-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang magsigla, siya ang kai­langan mo. Wala kang ma­papala sa matatamlay da­hil wala silang kabuhay-buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-23-36-40-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itutulak ka ng iyong sa­rili na gawin mo na ang mga gusto mong gawin dahil ito ay nagsa­sabing, hindi ka mabibigo. Kapag nagpatuloy ang iyong kaduwagan, walang mangyayari sa iyong bu­hay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-12-15-30-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mapapakali kung saan pa­rang sobra ang iyong sigla. Ito ay senyales na ang ma­gagandang kapalarang hi­nihintay mo ay darating na sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-14-23-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka sa negosyo kaya ito ang tutu­kan mo. Huwag mo nang pagkaabalahan pa ang ibang bagay para hindi ma­kalagpas sa iyo ang ma­gan­dang balitang ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-20-24-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page