Binawalan ng doktor dahil sa sakit… Gloria Romero, tagilid makabalik sa showbiz

Matatagalan pa bago balikan ng veteran actress na si Gloria Romero ang programang Daig Kayo ng Lola Ko na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7.
As per her doctor’s order, kailangan daw magpahinga at hindi dapat ma-stress si Tita Glo who’s suffering from extreme vertigo.
Kaya naman ang magaling na comedienne na si Nova Villa ang pansamantalang pumalit sa kanya sa pagho-host ng show. Kakaiba naman ang style ni Nova at natutuwa ang mga viewers sa kanya.
Sa Linggong ito, mala-Beauty and the Beast ang kuwentong pagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid.
Nag-i-enjoy ang mga batang viewers sa mala-fairytale at fantaseryeng itinatampok sa Daig Kayo ng Lola Ko kaya consistent na mataas ang ratings ng show.





Comments