Balik-IG na… Song Hye Kyo, mas naging hot after ng divorce kay Song Joong Ki

Balik-Instagram ang sikat na aktres na si Song Hye Kyo matapos ang divorce controversy niya with Song Joong Ki.
For the first time since June ay nag-post kahapon si Song Hye Kyo ng mga bagong series of photos niya na kuha mula sa isang photo shoot ng kanyang bagong shoe brand endorsement na Suecomma Bonnie.
Sa caption ay walang ibang inilagay ang aktres kundi itinag lang niya ang photographer na si Mok Jung Wook at ang shoe brand.
Sa nasabing mga larawan ay makikita ang iba’t ibang shoes na suot ng aktres na kanyang ineendorso. Pero talagang ang mas kapansin-pansin ay kung gaano pa rin siya talaga kaganda.
Mas naging classy pa nga ang beauty ng aktres ngayon and “hot” at the same time.
June 5 pa ang huling IG post ni Song Hye Kyo na endorsement naman ng isang jewelry brand. Matatandaang end ng June nang mapabalita ang pagpa-file ni Song Joong Ki ng divorce na talagang gumulat sa buong mundo. July 22 naman nang mapabalitang inaprubahan na ng korte ang divorce at pareho na silang officially single.
Ang huling balita ngayon kay Song Hye Kyo ay busy ito sa kanyang mga activities at sinasabi ring nag-aral ito sa New York ng short term course sa isang art school pagkatapos ng New York Fashion Week last September. Pero hindi ito makumpirma ng kanyang agency dahil private life na raw ito ng aktres.
Si Song Joong Ki naman ay katatapos lang ng kanyang epic drama na Arthdal Chronicles last September.





Comments