top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After 20 yrs... Cong. Alfred, balik-showbiz, babu na sa pulitika

  • Janice DS Navida
  • Oct 6, 2019
  • 3 min read

Third term na ng aktor-turned public servant na si Alfred Vargas bilang QC District 5 congressman at malaki ang pasasalamat niya sa mga patuloy na nagtitiwala sa kanya dahil hindi nga naman lahat ng artistang pumasok sa pulitika ay nabibigyan ng chance na matapos ang termino.

Si Congresswoman Vilma Santos-Recto ang idol ni Cong. Alfred pagdating sa public service dahil nakita raw niya ang kaka­ibang sipag at dedikasyon ng mommy ni Luis Manzano sa paglilingkod sa publiko.

Pero kahit tutok sa paggawa ng batas para sa kanyang distrito, aminado si Cong. Alfred na hindi pa rin niya maiwan ang showbiz dahil ito ang ibinubuhay niya sa kanyang pamilya bukod sa kanyang mga negosyo. Kaya once in a while, basta may magan­dang project ay tinatanggap ng moreno at guwapo pa rin namang aktor.

Balik-pelikula si Cong. Alfred via Tagpuan kung saan siya ang leading men nina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Ipinakita sa amin ng aktor ang short trailer ng movie na intended sanang makapasok sa Metro Manila Film Festival 2019 sa December and we’d say parang Korean actor ang dati­ngan du’n ni Cong. Alfred at ‘di mo iisiping family man na.

Wish niya, sana nga ay makapasok sa MMFF ang movie nila, but if ever hindi dahil alam niyang mahigpit ang competition tuwing festival, ready naman daw sila at positibong marami pa ring tatangkilik sa pelikula na parang Milan ang dating pero ibang-iba naman daw ang istorya, paninigurado pa sa amin ni Cong. Alfred.

Anyway, dahil third and last term na nga niya ngayon bilang kongresista, natanong na namin si Cong. Alfred kung magle-level-up ba ang kanyang political career like tatakbo siyang senador or magpu-full-time uli siya sa showbiz?

Aminado siyang as early as now ay marami nang nag-o-offer sa kanya pero dahil malayo pa naman daw ay ayaw muna niyang isipin.

Open din daw siya sa idea na mag-retire na sa politics dahil 20 yrs. na rin naman ang ibinigay niya para sa bayan at gusto naman daw niyang mag-spend ng time sa kanyang pamilya. At baka raw mag-full-time na lang siya sa showbiz kapag natapos ang kanyang term.

Sa ngayon, kapag tumatanggap ng movies at TV projects si Cong. Alfred, bilang public servant at may mga anak na, siyempre raw ay may limitasyon na siya. No more sexy scenes, pero game pa rin naman siya sa mga kissing scenes lalo’t part ng role.

Pabiro pa niyang sabi, hindi na pang-romansa ang katawan niya ngayon kaya tama na ang sexy roles.

Supportive naman daw ang kanyang pretty wife na look-alike ni Marian Rive­ra sa kanyang pagbabalik-showbiz at hindi raw ito selosa kahit pa nga may mga kissing scenes siya.

In fairness naman kasi kay Cong. Alfred, kahit noong binata siya, wala siyang playboy image or nag-two-time kaya super lucky din ng wife niya sa kanya, ha?!

So, sa movies at TV shows lang pag-aagawan si Cong. Alfred ng dalawang babae at hindi in real life. Sa Tagpuan kasi, nakahiwalay na wife niya si Iza habang makikilala naman niya si Shaina at mai-in love sila sa isa’t isa.

Sa Magkaagaw naman na bagong serye niya sa Kapuso Network, sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz ang dalawang kapareha niya. At sa IWant project niya sa ABS-CBN, si Carmina Villaroel naman ang kasama niya.

Basta ang sinigurado ni Cong. Alfred, hindi nakasasagabal sa mga session niya sa Kongreso ang pagtanggap niya sa mga naturang projects.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page